‘Paihi’, ‘pasingaw’ at sugalan sa Batangas
MALIBAN sa “paihi†ng gas tanker at “pasingaw†ng LPG sa Bgy. Aguila sa San Jose, Batangas City, hitik din sa illegal na pasugalan ang Batangas, ito ang bukambibig ng mga Batangeños, Interior Sec. Mar Roxas Sir. At kahit pinaiiral na ang “no take, no contact†policy ni CIDG director Chief Supt. Francisco Uyami Jr., gumagana pa rin ang “paihiâ€, “pasingaw†at mga pasugalan at tiba-tiba rito si Sr. Supt. Rosauro Acio, provincial director ng Bata-ngas. Kung ang mga operator ng “paihi†at “pasingaw†ay nakatimbre sa opisina ni Calabarzon police director Chief Supt. Benito Estipona sa halagang P50,000 kada linggo, mas malaki pa ang para kay Acio dahil kaharian niya yan. Di pa kasama diyan ang lingguhang tara sa mga pasugalan. Ayon sa kausap ko sa Batangas, maliban sa PRO4-A at Batangas police, ang nakikinabang sa “paihiâ€, “pasi-ngaw†at pasugalan sa Batangas ay ang CIDG regional office, CIDG provincial office, NBI provincial office, at si-yempre ang DILG. Dapat arukin ni Roxas ang nasa likod ng “paihiâ€, “pasingaw†at pasugalan sa Batangas at baka nabubukulan na siya.
Para sa kaalaman ni Roxas, mayroong montehan sa Bgy. Mayo St., sa Lipa City na ang may hawak ay si Obet Dimaano. Malakas ang tayaan sa monte na ito Sec. Ro-xas. Ang bookies naman ni Jerry Acebo ay matatagpuan sa Bgy. Tubig sa Ibaan town; kay Ka Carling ay sa Bgy. Bulacnin sa Lipa City; bookies sa Rosario na ang may hawak ay si Ady Austria; ang baklay naman sa loob ng Tombol Cockpit sa Bgy. Quilib sa Rosario; Ang peryahan sa Sto. Tomas ay kay Jun Alona na ang may hawak ay si alyas Mhely; sa San Jose ay kay Yolly Solo; sa San Luis ay kina Tita at Melanie; sa Bgy. San Vicente, Lipa City ang kay Tessie Rosales at merong puwesto-piho ng color game sa Bgy. Mabini. Ang umiikot sa “paihiâ€, “pasingaw†at mga pasugalan para sa bulsa ni Acio, Sec. Roxas, ay si Florence Manimtim. Dapat siguro si Manimtim ang unahing i-entrap ni Gen. Uyami para maniwala ang sambayanan sa “no take, no contact†policy niya. Kailan kaya mahuhulog sa bitag ng mga bataan ni UyaÂmi si Manimtim at iba pang mga tong kolektor ng CIDG, NBI at DILG?
Kung sabagay, hindi lang sa Batangas merong “paihi†at “pasingaw†Sec. Roxas, dahil meron din naman sa Laguna at Cavite. Hayaan mo’t nagpadala na ako ng sugo para alamin ang mga detalye ukol sa operation nila. At higit sa lahat Sec. Roxas, si Dodjie Lasierda ay pasimple ring umiikot sa Calabarzon area para naman kay Gen. Estipona. Huminto nga si Lito Guerra bilang tong collector ng CIDG sa Calabarzon area subalit kinalong naman siya ni PRO1 director Chief Supt. Ric Marquez. Abangan!
- Latest