^

PSN Opinyon

First class prosti…iginarahe ni Congressman

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang iginarahe ng isang congressman ang isang first class prosti?

Ayon sa aking bubwit, na-inlove na yata si congressman dun sa maganda, mestiza at batambatang chiching dahil ito ay tuluyan na niyang iginarahe.

Hindi na siya mahagilap ngayon ng mga da-ting customer na businessmen dahil pinatigil na siya ng kanyang lover boy na kongresista.

Noong bago pa lamang sa pagbebenta ng short time na aliw ang chiching, ang kanyang talent fee ay P150,000. Wow!

Itong first class prosti ay nagkaka-edad lamang ng daisy otso nang pumasok sa ganitong hanapbuhay. At siya pala ay iniregalo kay congressman.

 Ayon sa aking bubwit, matapos ang first encounter ni congressman at ang mestizang prosti, nagkaroon kaagad ng indecent proposal si Sir at tinanggap naman ng chiching.

 Dahil ayaw na ni congressman na bumalik pa sa trabahong pagbebenta ng short time na aliw ang chiching, ito ay iginarahe kaagad sa isang condo unit sa may Eastwood, Libis, Quezon City. Ito ay binigyan ng brand new car na Subaru at isinasama pa ni Sir sa pagsi-shopping sa Hong Kong at Singapore ng mga signature na damit. Wow buhay Prinsesa ngayon at may bodyguard pa.

Ang kongresistang na inlove sa isang first class prosti ay sikat na mambabatas. Siya ay mula sa kilalala at maimpluwensiyang angkan sa Luzon.  Siya ay si Congressman P. as in Playboy.

vuukle comment

AYON

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN P

DAHIL

EASTWOOD

HONG KONG

ITONG

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with