^

PSN Opinyon

Laong-laan lodge 185

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IMBITADO ng mga bagong upong opisyal na Laong - Laan Lodge 185 ngayon araw ang lahat ng mga brethren ng iba’t ibang Masonic Lodges para sa kanilang ika - 48 installation today.

Ang mga bagong upong opisyal ng Laong - Laan Lodge 185 na tatayo rin kalaunan ay sina Bro. Fiscal Rey Camilo Dumlao, bilang Worshipful Master, Bro. Fiscal Blas Antonio Tuliao, Senior Warden, Bro. Adonis Baluyot, Junior Warden, Bro. Ruel Leverne Labrado, Treasurer, Bro. John Gary Baybay, Secretary, Bro. Ricardo Sy, Past Master, Auditor, Bro. Walfredo Sumilang, Marshall, Bro. James Renier Lino, Chaplain, Bro. Ernie Ligon, Almoner, Bro. Ronan Rex Ramos, Lecturer, Bro. Junfel Zamora, Orator, Bro. Butch Quejada, Historian, Bro. Jeffrey Joseph Dublado, Organist, Bro. Rey Raagas, Senior Deacon, Bro. Mark Albren Santos, Junior Deacon, Bro. Gualberto Angeles, Senior Steward, Bro. Jose Maria Mendoza, Junior Steward at WB Atty. Ramon Gutierrez, Past Master of the Lodge, Tyler.

Sina VW Bro. Sonny Regala ang installing officer, VW Bro. Felix Mendoza ang Master of Ceremonies at si VW Bro. Roland Fabian ang assistant Master of Ceremonies.

Si Pasig City chief Prosecutor Juanito Ang, ang panauhin pandangal ng Lodge.

Hindi biro ang preparasyong inihanda ng tatlong kamote este mali Lights pala na sina incoming WB Rey Camilo Dumlao, SW Bro. Blas Antonio Tuliao at JW Bro. Adonis Baluyot sa okasyon mamayang gabi dahil lahat ng klase ng tsibog at inumin ay naka-ready para sa mga brethren at mga bisita na dadalo dito.

Ayon sa ‘Three Stogies’ este Lights pala tatlong lechon baka ang itinumba nila pero itatayo rin pagkatapos, mga lechon na titingnan lamang pero hindi kakainin, mga manok na papaliparin, palaka, buwaya, buwitre at taksan-taksan mamahalin alak ang dala ng tatlong komikero este matataas palang opisyal. Hehehe!

Sabi nga, kita - kits tayo later this afternoon.

Ipinaalala ni WB Dumlao sa lahat ng dadalo na bawal ang plastic bag pero puedeng supot ang dalhin ninyo para makapag-balot kayo ng mga pagkain. Ang isa pang importante ay huwag na kayong magdala ng mga gamot para sa highblood dahil marami siyang gamot na ipamimigay kasama ang contraceptives.

Ika nga, Goodluck Brethren!

4 - cock invitational derby

INAANYAYAHAN ni Atty. Biyong Garing, promoter ng invitational cock derby ang mga mananabong sa ika - 8 ng Pebrero sa ganap na alas - 6 ng gabi na sa Victoria Cockpit Arena, Victoria Mindoro Oriental para sa isang umaatikabong bakbakan ng mga magagaling na panabong.

Ayon kay Ka Biyong, mga malalaking pangalan ng mananabong sa Philippines my Philippines ang lalahok sa nasabing pasabong.

May P300,000 premyo pataas, P25,000 sa handler at P15,000 sa gaffer. P11.000 ang pot money at minimum bet ay P11,000.

Punta na kayo at magsabong na!

Kapalpakan ng DTM inisnab ng DOTC

KUNG ang Land Transportation Office ang nagpa-subasta para sa vehicle plates na gagamitin ng mga brandnew sasak­yan matapos pumalpak ang GJB Enterprises sa pagrarasyon din ng mga plate number tiyak hindi ito makukuha ng DTM, ang palpak na supplier na nanalo sa bidding ng DOTC noon panahon ni dating DOTC Secretary Mar Roxas.

Nanalo nga ba o hehehe tumpak ang iniisip ninyo mga Kamote.

Matagal ng walang brandnew plates na maibigay ang LTO sa mga nakabili ng mga brandnew sasakyan tulad ng tsikot, motorcycle, truck echetera dahil nga palpak ang DTM at hindi pumasa sa requirements ng DOST at LTO kaya alaws vehicle plates na mai-supply.

Ngayon ipinagkibit balikat lamang ng mga kamote dyan sa DOTC ang mga nangyayaring kapalpakan dahil malakas daw ang DTM?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

ADONIS BALUYOT

AYON

BIYONG GARING

BLAS ANTONIO TULIAO

BRO

BUTCH QUEJADA

ERNIE LIGON

LAAN LODGE

MASTER OF CEREMONIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with