‘BITAG, ngayong Sabado na!’
SIMULA ngayong Sabado, muling mapapanood ng sam bayanan ang maaksiyon at umaatikabong BITAG.
Linggo-linggo na namang aabangan ng publiko ang pagsasahimpapawid ng BITAG tuwing alas-9:30 hanggang alas-10:00 ng gabi sa People’s Television Network channel 4.
Buong Pebrero, panoorin ang action-packed drug operations special na inihanda ng grupo ng BITAG para sa lahat ng aming mga tagasubaybay.
Hindi ito palabas na puro kuwentuhan at dinadala lamang ng script dahil lahat ng mga drug operations na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Authority kasama ang BITAG ay aktuwal at sadyang mapanganib.
Estilong Diary, Documentary and Reality o “DDR†ang kaibahan ng BITAG sa mga kakumpetensiyang programang napapanood ninyo ngayon sa telebisyon.
Masusing tinitingnan ang procedural, tactical at ang mismong actual operation sa bawat operasyong isinasagawa kasama ang BITAG na kahalintulad sa pamantayan ng Discovery at National Geographic Channel.
Habang sinusulat ko ang kolum na ito, kasalukuyang nasa operasyon ang ibang grupo ng BITAG na target ang malaking plantasyon ng marijuana sa bansa.
Asahan ang lalong pinalaki at pinalakas na BITAG na syndicated na. Ibig sabihin, pwede itong maipalabas sa hindi kakumpetensiya nang malaking network na Kapatid Network sa TV 5.
Ugaliing subaybayan ang BITAG AT Pinoy U.S. Cops tuwing Sabado sa PTV channel 4.
Mag-uumpisa sa Pinoy U.S. Cops ng alas-8:30 hanggang alas-9:00 ng gabi, susundan ng Philippine Lotto Draw at pagsapit ng alas-9:30 hanggang alas-10:00 ng gabi, ang pinakahihintay ng taumbayan na BITAG.
Kaya naman sa lahat ng aming mga tagasubaybay, markahan na inyong mga kalendaryo sa darating na Sabado, a-2 ng Pebrero, panoorin ang BITAG sa PTV 4.
- Latest