Linggo ng Bibliya
ANG Banal na Kasulatan ay isang liham ng Panginoon sa ating lahat at ipinahayag Niya sa atin sa pamamagitan ng mga propeta at mga Apostol ng Panginoon. Ipinahayag ni Lukas ang kanyang mga Ebanghelyo at Gawa kay Teofilo. Nagsimula siya sa paggalang kay Teofilo at sinundan sa mga Gawa at sinabi niya “minamahal kong Teofiloâ€. Si Teofilo ay hindi pala isang tao kundi tayong lahat na umiibig sa Diyos. Theus ay Diyos at philos ay umiibig.
Maging sa Aklat ni Nehemias ay ipinahayag sa atin ni Ezra ang ating wagas na paggalang at pagpupuri sa dakilang Diyos. Basahin natin tuwina ang Salita ng Diyos upang malaman natin ang batas at magliwanag sa atin ang kahulugan. Sa mga ebanghelyo ay dapat nating maisapuso ang mga aral ni Hesus sapagkat sumasa-Kanya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Isabuhay natin ang Salita ng Diyos sa pang araw-araw ng ating buhay.
Aklat ni Nehemias 8:2-4a, 8-10; Salmo70; CoÂrinto12:12-14, 27 at Lk1:1-4, 4:14-21
* * *
Magkakaroon po ng reunion ang Class ’76 ng UST Central Seminary sa Enero 29-31 at gagawin sa Villa Isabel Hotel, Sorsogon. Ang host po ay ang aming classmate na si Msgr. Frank Monje, Vicario General at kura ng San Antonio de Padua, Gubat, Sorsogon, sa kabutihan po ni Bishop Arturo M. Bastes, SVD, D.D.
Kami po ay 37 seminarista noon at lahat ay naging pari. Ang mahal naming Rector noon ay si Fr. Jaime N. Boquiren, O.P. Mayroon po kaming classmates mula sa iba’t ibang religious orders: tatlong Dominicans, dalawang Vincentians (C.M.); dalawang Order of St. Joseph (OSJ) at isa mula sa Nigeria, si Msgr. Benedict E. Efapo.
Dalawa po sa aming klase ang obispo: Archbishop Jose F. Advincula, Jr. ng Capiz at Bishop Rudy F. Beltran ng La Union.
- Latest