NAGTITIGAN ng masama. Nagka-angasan ng salita… “Sino ka ba?†“Bakit sino ka rin?â€
Kumuha ang isang ginang ng uno por dos at hinataw sa ulo ang lalake. Hinablot naman sa damit yung babaeng kalaban, napunit at lumitaw ang ‘boobs’. Nagpiyesta ang mga kalalakihang nanonood sa kanilang nakita.
Apat na taon ng nakakaraan mula ng bumaon kay Angelito “Lito†Dela Cruz, 60 anyos, isang guro ang umano’y masasakit na salita mula sa isang kapitbahay. Si Ester Silidio, 50 taong gulang.
Tatlong dekada ng hayskul titser si Lito sa isang pampublikong paaralan sa Quezon City. Matapos gumraduate ng kursong Bachelor of Science and Education sa National Teacher’s College nung 1974, nagturo na ng English at Filipino subjects si Lito.
“Kaligayahan kong turuan ang mga bata… sa trabahong ito ko na naisip tumanda,†pahayag ni Lito.
Namuhay ng simple si Lito kasama ang mga kamag-anak sa Brgy. Holy Spirit. Tatlong pamilya silang tumira sa lupang may sukat na 150 metro-kwadrado. Lupang aminado si Litong hindi nila pagmamay-ari.
Kwento ni Lito, halagang Php10 hangang bente pesos daw kada buwan ang butaw para sa lupa. Si Ester daw ang taga singil.
Isa si Lito sa mga nagbabayad nun subalit pinagdudahan niya kung saan napupunta ang pera. Huminto siya sa pagbabayad.
“Wala namang resibong binibigay sa amin, pa-notebook notebook lang!†anya ni Lito.
Mula nun nagalit na daw si Ester sa kanya. Nagsimula na itong magparinig, maging sa personal niyang buhay nanghihimasok na daw ito.
“Nag-asa asawa ka pa, gurang naman napangasawa mo,†pang-aasar daw ni Ester.
Ang pinapatungkulan ni Ester ay ang kinakasama umano ni Lito na isang 62 anyos na biyudang si ‘Erlinda’. Isang retiradong guro.
Hindi itinatanggi ni Lito na may mga anak at mga apo na ito suÂbalit ang bagay na ito daw dapat ay hindi na pinakikialaman ni Ester.
“Sa pagtutok ko sa pagtuturo, hindi ko na inambisyon mag-asawa ngayon na lang…nang dumating si Erlinda†wika ni Lito.
Bawat masamang salitang naririnig kay Ester tinitiis daw ni Lito.
Ika-16 ng Setyembre 2009, bandang 9:30 ng umaga… dahil bakod lang ang pagitan ng bahay nila ni Ester… nagkasalubong ang dalawa.
Papasok nun ng eskwela si Lito. Habang hawak ang kanyang ‘lesson plan’, napadura siya sa bangketa. Pag-angat niya ng ulo, nagkatinginan na lang sila ni Ester… nagkatitigan ng masama.
Tumatagos ang mga tingin ni Ester na para bang tinutusok siya ng isang matulis na bagay sa kanyang katawan. … biglang lumabas ang naipong galit kay Lito. Matigas niyang tanong, “Sino ka ba?!â€
“Sino ka rin?!†nanginginig na sagot ni Ester.
Mabilis ang mga pangyayari, ayon kay Lito bigla na lang hinablot ni Ester ang isang uno-por-dos na kahoy at malakas siyang hinataw sa ulo.
Sinubukan niyang pigilan si Ester… hinila niya ito subalit nahilo na siya’t napaupo sa sahig. Mabuti na lang at dumating ang asawa ni Ester at pamangkin ni Lito para sila’y awatin.
Diniretso sila sa barangay. Sinubukan silang pag-ayusin subalit wala umanong preno ang bibig ni Ester kaya’t nagdesisyon na si Lito na magpa-‘medico legal examination’ sa East Avenue Medical Center.
Base sa resulta ng test na isinagawa ng Medico Legal Officer John Paul E. Ner, M.D. nagtamo si Lito ng mga gasgas sa kanan at kaliwang kamay, mga pasa sa didib at ulo at bugbog malapit sa mata. Ang ‘healing period’: less than 9 days.
“Mga tatlong bukol ang inabot ko…puro sa ulo,†wika ni Lito.
Nagsampa ng kasong Physical Injury si Lito sa Prosecutor’s Office ng Quezon City. Nagkaroon ng pagdinig ng kaso. Nagkontra demanda itong si Ester at nag file ng Physical Injury at Slander by Deed na sinuportahan rin ng kanyang isinumiteng Medico Legal Certificate.
Ito ay matapos umano siyang titigan ni Lito, duraan at pinagtuturo. Hinatak rin daw nito ang kanyang damit kaya’t lumabas ang kanyang dibdib at saka siya sinunggaban.
Ika-24 ng Nobyembre 2010, lumabas ang resolusyon ng dalawang kasong ito na isinagawa ni Prosecutor Attorney II Ralph Michael D. Cataquiz.
Nakitaan ng ‘probable cause’ ng taga-usig ang kasong sinampa ni Lito kaya’t naiakyat ang Slight Physical Injuries sa MTC-Branch 32, Q.C sa sala ni Presiding Judge Janet Abergos-Samar.
Ang kasong Physical Injury at Slander by Deed naman na sinampa ni Ester, matapos ang isang masusing paninimbang, napagtanto ng taga-usig na ito’y isinampa lamang ni Ester matapos niyang makitang tagilid siya sa kaso (afterthought). Sa kabilang banda naman itong si Lito, matapos hampasin ng uno por dos sa ulo, agad niya itong nireport sa Batasan Police Station.
Kaya ganito ang nilalaman ng desisyon ng taga-usig sa kanyang ‘joint resolution’ dito sa isang kasong pinagsama (consolidated case) kung saan ang mga taong sangkot, nagdedemanda at insidente ay pare-pareho lang.
Mula ng maibaba ang resolusyon hindi na daw nagpakita pang muli si Ester. Ilang taon ng dinidinig ang kaso sa MTC-Branch 32 subalit ni minsan hindi na siya humarap. Ito ang dahilan ng pagpunta ni Lito sa aming tanggapan.
“Kailangan ko ng hustisya sa ginawa niyang panghihiya sa akin, hindi niya maibabalik yung moral ko,†anya ni Lito.
Itinampok namin si Lito CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, tungkol sa pagtataka ni Lito kung bakit napakatagal na ng kasong ito, nakita namin sa dokumentong dala niya na in-‘upgrade’ ng Branch 32 ang kanilang mga ‘computers’ para isaayos ang kanilang ‘filing system’ para mailagay sa maayos na pagtatala ang mga kaso. Isa pang malaking dahilan ay talaga namang punung-puno ng kaso ang ating mga hukuman, minsan ang pagitan ng ‘hearing’ ay umaabot sa apat na buwan. Isang bagay na dapat na ring masolusyunan ng ating pamahalaan.
Kung nais mong makamtan ang hustisya sa nangyari sa ’yo matuto rin tayong maghintay lalo na ikaw Lito na hindi naman ikaw ang nakademanda at ikaw nga ang pinaboran ng taga-usig. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166(Aicel)/ 09198972854 (Monique) /09213784392(Pauline). Tumawag sa 6387285 at 24/7 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Bukas kami Lunes hangang Biyernes.
Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com