^

PSN Opinyon

Barilan na naman!

K KA LANG - Korina Sanchez -

DALAWANG insidente ng pamamaril, habang may Comelec gun ban! Isa, sa Cebu City, sa loob pa mismo ng hukuman! Ayon sa imbestigasyon, kinapkapan ang katawan at siniyasat ang dalang bag, pero hindi nakita ang dalang baril! At nang magsisimula na ang sesyon, tumayo na lang si John Pope, isang Canadian, at binaril ang nagsampa ng reklamo sa kanya at ang kanyang abogado, sabay takbo! Nasalubong ang isang prosecutor na humahawak din ng isa niyang kaso, at binaril sa leeg! Namatay sina Dr. Rene Rafols at si Atty. Juvian Achas. Si Pros. Ma. Theresa Casiño naman ay nasa kritikal na kondisyon! Nagpakamatay si Pope.

Ang isa naman ay alitan muli sa kalye. Naging mainit ang diskusyon ng isang babaeng motorista at isang nakasakay sa motorsiklo, nang magbanta ang naka-motor na papatayin niya ang babae! Nagpakilala pa raw na pulis, kumuha ng baril sa motorsiklo, at binaril ng ilang ulit ang sasakyan. Mabuti at hindi tinamaan ang babae! Ngayon, hinahanap na ang “pulis”! Epektibo ba ang gun ban, kung ang mga handang pumatay ng tao ay hindi naman sumusunod!

Pero ang gusto kong malaman ay bakit hindi nakita ang baril na pinasok sa hukuman! Mapapansin iyan sa mga guwardiya na nagbabantay sa mga entrance mall, gusali, banko at iba pang lugar. Pabubuksan ang bag, o kakapkapan ang ilang bahagi ng katawan, pero sa totoo lang ay hindi naman masiyasat na naghahanap ng kontrabando o armas! Siguro sawang-sawa na sa ginagawa, kaya may nakakalusot, katulad ni Pope. Alam na niya siguro kung saan siya kakapkapan, at alam na hindi naman talagang iniinspeksyon ang bag nang mabuti! Kaya tatlo ang napatay, kasama si Pope at kritikal pa ang isa! Lahat sa loob ng hukuman!

Dapat bukod sa mga tao na kumakapkap at nag-iinspeksyon ng mga bag, may metal detector o scanner  katulad ng nasa airport. Kapag may da­lang bakal, tutunog agad ang detector. Saka sundan ng pag-iinspeksyon. Medyo mahal, pero kung seguridad naman ang kapalit, bakit hindi? May obligasyon din ang mga mall, banko, ospital at hukuman na maging ligtas ang mga nasa loob nito. Kung tao lang ang aasahan, malaki ang pagkaka-taon na magkakamali o malulusutan, lalo na kung pagod at sawa na sa ginagawa!

 

ALAM

CEBU CITY

DR. RENE RAFOLS

JOHN POPE

JUVIAN ACHAS

SI PROS

THERESA CASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with