^

PSN Opinyon

Pamumuhunan sa edukasyon ng mamamayan

DOKTORA NG MASA - Sen Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

SA ginanap na Youth Leaders for Knowledge and Development forum ng World Bank kamakailan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-aasikaso sa mga panga-ngailangan ng mamamayan upang matulungan silang maging produktibo.

Sinabi roon ng National Economic and Development Authority na isa sa dapat pagbuhusan ng pamahalaan ng atensiyon, pondo at kaukulang mga programa ay ang edukasyon at pagsasanay ng mga mamamayan laluna ng kabataan. Pinansin ng NEDA ang datos na 48 porsiyento ng populasyon ng bansa ay 15-34 taong gulang at handang magtrabaho pero malaking bulto ng mga ito ay unemployed.

Marami umanong job vacancies para sa accountants, auditors, electronics and communications engineers at systems analysts and designers pero karamihan sa mga nag-aaplay sa mga ito ay kulang sa required competency/skill at experience.

Ang pamumuhunan sa edukasyon at pagsasanay ng mga mamamayan laluna ng kabataan ay isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada. Ilan sa mga hakbangin na isinusulong niya ukol dito ay: 1) pagtitiyak ng job-skill matching sa sistema ng edukasyon sa bansa; 2) pagpapaunlad ng technical-vocational education; 3) pag-develop ng trainee-and-apprenticeship program sa 3rd year at 4th year high school; 4) education loans para sa mga kukuha ng tech-voc courses, na babayaran nila kapag nagtrabaho na sila; 5) pag-akma ng lokal na tech-voc education sa international standards; 6) pag-deve-lop ng audit at database ng job-skill requirement and opportunities sa loob ng bansa at sa abroad sa kasalukuyan at pati sa susunod na mga taon; at 7) pagpapatupad ng mekanismo sa mahigpit na pag-uugnayan ng pamahalaan, mga industriya at labor sector.

BANSA

EDUCATION

ILAN

MARAMI

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

PAG

PINANSIN

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with