^

PSN Opinyon

DPWH project Director Ramon A. Cacatian (2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa patas at sa malayang pamamahayag na ipinaiiral ng mga kuwago ng ORA MISMO, muli natin ilalabas sa madlang public ang napagkuentuhan namin ni Director Cacatian.

Itinanggi ni Director Cacatian sa mga kuwago ng ORA MISMO, na sa mga mamahaling eskuelahan sa Philippines my Philippines niya pinag-aral ang kanyang tatlong anak na babae.

Ayon sa kuento ni Director Cacatian, isa na lamang ang nag-aaral sa kanyang mga anak at ito aniya ay iyong bunso na kumukuha ng computer science sa UP at nasa 3rd year college na.  Ang kanyang dalawang anak ay nagtapos ng nursing sa UERMMMC, Quezon City at ang isa ay graduate ng ‘civil engineering’ sa UST last March  at naka-pasa sa board last November.

Ayon kay Director Cacatian, naigapang niya ang pag-aaral ng kanyang mga anak dahil nag-iisa lamang siyang anak ng kanyang magulang at kahit papaano ay may minana siyang kaunti ari-arian dito.

Itinanggi rin ni Director Cacatian, na may mga gusali ang kanilang pamilya na itinayo sa kanilang probinsiya gaya sa Isabela, Cagayan, Quirino o maski sa Metro-Manila.

Ayon kay Director Cacatian, may 372 metro kuwadrado lamang siyang namanang lupa mula sa kanyang mga magulang ng mamatay ang mga ito at ang bahay na nakatirik dito ay hindi man lamang nagalaw o napabago dahil hanggang ngayon aniya ay luma ito at halos pasira na.

Itinanggi din ni Director Cacatian, na hindi silang nagmamay-ari ng three - storey commercial building o motorcyle dealership/trading sa Sanchez Mira, Cagayan, iniimbitahan niya kahit sino na pumunta doon o mag-imbestiga kung mayroon siyang mga ari-arian tulad ng nabanggit sa nasabing lugar.

Ayon kay Director Cacatian, bumibiyahe siya palabas ng Philippines my Philippnes going abroad pero ito aniya ay konektado sa kanyang trabaho at itinanggi rin nito na may mga nakasama siyang mga politiko kapag lumalabas siya.

Naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga naikuento, litrato at dokumento na ipinakita ni Director Cacatian sa amin kaya naman binigyan natin ng espasyo  at humihingi ang Chief Kuwago ng paumanhin sa pamilya, kamag-anak, kaibigan ni Monching .

Sabi nga, trabaho lang!

Good luck and God Bless!!!!

Grupo ni Biazon nakahuli ng shabu sa NAIA

ISANG pinoy drug mule ang nagbitbit ng kilo-kilong shabu galing Hong Kong ang natimbog ng mga tauhan ni BOC Commissioner Ruffy Biazon sa NAIA Terminal 2 the other day.

Ang akala siguro ni Roendo Ariata dahil ‘Pinoy’ siya ay magiging maluwag ang Customs people sa kanya sa NAIA kaya siguro naglakas loob itong bibitbit from Hong Kong papuntang Philippines my Philippines ang kontrabando ng international drug syndicate.

Bok, 24/7 nagbabantay ang mga bataan ni Ruffy sa paliparan na parang mga buwitre na walang ginawa kundi ang maghintay, magmanman, maniktik at manghuli ng mga gaya mo mag-smuggled ng mga kontrabando sa mga terminal sa NAIA.

Sabi ni Ruffy hindi lang naman si Ariata ang nahuli nilang may bitbit na shabu sa NAIA kundi napakarami na ang mga karamihan ay mga banyagang drug mule.

Ang masakit nito kung anong parusa ang naghihintay kay Ariata sa hukuman oras na sinampahan siya ng kaso ng mga taga - PDEA.

Abangan.

 

ARIATA

AYON

CACATIAN

CHIEF KUWAGO

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DIRECTOR

DIRECTOR CACATIAN

HONG KONG

ITINANGGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with