^

PSN Opinyon

Welcome 2013!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG nagdaang 2012 ay malaking hamon sa “tuwid na daan” ni President Noynoy Aquino kung saan na-impeach si dating Chief Justice Renato Corona. Isa lamang si Corona sa mga alagad ni dating President Gloria Arroyo na binunot sa puwesto matapos na mapatunayang kulang ang isinumiteng Statement of Asset and Liabilities at pagiging loyal sa pamilya. Ngunit hanggang sa ngayon hindi pa naibabalik sa normal ang pamamalakad sa Supreme Court. Kasi nga, may ilan pang justices na naniniwala kay Corona. At sa katunayan tuwing magkaroon ng flag raising ceremony sa SC ground palaging hindi kumpleto ang attendance ng justices. Sa ganyang sitwasyon makikita na hindi kuntento ang ilang justices sa pagpasok ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Kaya maging sa kanayunan sa ngayon ay hindi nareresolba ang kakulangan ng mga justices. Katulad na lamang sa Cavite City na nag-iisa lamang ang judge ng Regional Trial Court sa buong lalawigan. Aba CV Sereno, matamang pag-ukulan naman ninyo ito ng pansin upang mapabilis naman ang pag-usad ng mga inaagiw na kaso.

* * *

Ang pagiging malapit  ng PMA Class 78 kay dating Pre-sident Gloria Arroyo ang nagsadlak kay Gen. Boysie Rosales sa kangkungan. Iyan ang matunog na usap-usapan ngayon sa lahat ng mga pulis sa bansa. Mantakin ninyo mga suki, si Rosales ang may programa ng closed-circuit televisIon (CCTV) monitoring sa Metro Manila noong siya pa ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaya maraming kaso ang naresolba. Sinimulan kasi ni Rosales ang pagkabit ng global positioning system (GPS) sa lahat ng mga patrol car noong maging director siya ng Manila Police District.

Naging ma-PR si Rosales sa mga negosyante kaya nahikayat niya ito na makabitan ng CCTV ang mga lansangan sa Maynila. Nabawasan noon ang gastusin ng Philippine National Police sa gasolina dahil naka-GPS  ang lahat ng mga patrol car na madaling ma­­tawagan sa tuwing may insidente dahil alam ang kanilang mga puwesto. At nang siya na ang hepe ng NCRPO pinondohan niya ng  P80 milyon ang pagpa­gawa at pagkakabit ng mga TV monitor sa Regional Tactical Operation Center sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ngunit sa kasalukuyan inaagiw na ito at nasa-yang dahil hindi matanggap ng mga alipores ni P-Noy ang technology na iniwan ni Rosales. Ngunit saan ba buma­base ang mga pulis kapag may insidente ng patayan, nakawan at holdapan? Di ba sa mga CCTV ng mga pribadong kompanya? At ngayong 2013 na, marahil nagiging giya na ito ni PNP chief Alan Purisima na muling buksan ang CCTV sa Metro Manila at pangunahing lungsod ng lalawigan. Dahil sa tingin ng aking mga nakausap mas madaling makilala at mabibisto ang mga kriminal sa pamamagitan ng CCTV. Iwasan na ang bangayan at pataasan ng ihi mga Sir! Tugunan n’yo ang seguridad ng sambayanan.  Happy New Year mga suki!

 

ALAN PURISIMA

BOYSIE ROSALES

CAMP BAGONG DIWA

CAVITE CITY

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

GLORIA ARROYO

METRO MANILA

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with