^

PSN Opinyon

Kailangan po ang inyong tulong

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MERRY Christmas mga suki!

Likas sa ating mga Pinoy tuwing sasapit ang Pasko naglalaan tayo ng panahon upang makapiling ang ating mga mahal sa buhay. Siyempre kahit na kakaunti lamang ang laman ng ating bulsa, aba’y pinagkakasya pa rin ito upang maipambili ng pagkain na pagsasaluhan ng ating pamilya. Ngunit marami pa rin sa ating mga kababayan sa Mindanao partikular sa Compostela Valley at Davao provinces ang nangangailangan ng tulong na pagkain, damit at gamot matapos na lumpuhin ng bagyong Pablo.

Sa ngayon abot-abot na ang tulong na nagmula sa administrasyon ni President Noynoy Aquino, private institution at maging sa ibang bansa. Ngunit hindi ito sasapat dahil malaki ang pinsala ni Pablo sa Mindanao. Saludo naman ako sa nakakarami nating kababayan na maru-nong umintindi sa kalagayan ng mga nasalanta. Katulad na lamang sa Philippine National Police na isinakripisyo ang Christmas party at nakalikom ng P14 milyon na itinulong sa mga biktima ni Pablo. Ang Armed Forces of the Philippine naman ay nakapagkaloob ng P19 milyon na kinaltas sa kanilang sahod. Ang Damayan Foundation ng Star Group of Publications ay nakapagpamudmod nang mahigit sa P2 milyon relief goods.

Marami pang private institution  ang kinansela ang kanilang Christmas party upang itulong na lamang sa mga sinalanta ni Pablo subalit kulang pa rin. Kaya mga suki, kumakatok ako sa inyong may ginintuang puso na tumulong po tayo sa kanila. Ang donasyon ninyo ay maa-ring ipadala sa Star Group of Publications office, Roberto Oca Street, Port Area, Manila.

Samantala, nananawagan si Mr. Jerry G. Pendoro ang founder ng 1 Riders Power Team International Corp., sa lahat ng mga kasapi at mga nais pang sumali sa raffle draw ng 1RPTIC na gaganapin sa darating na Disyembre 28 sa Tanghalang Pasigenos, Pasig City. Agahan po lamang ninyo ang pagtungo sa naturang lugar upang mapabilang kayo sa papalaring manalo nang malalaking pa-premyo na ang grand prize ay isang Ford Focus 2012 model. 1st Prize- FZ Yamaha, 2nd Prize-Kawasaki Rouser, 3rd Prize- Suzuki Sky Drive, 4th Prize-Laptop/Cell Phone at ang 5th prize-  Trip to Hong Kong with P10,000 pocket Money. Ayon pa kay Mr. Pendoro ang dating P500 na ticket ay ginawa na lamang niyang P200 ang bawat isa at kung 10 ticket ang inyong bibilhin ay magkakahalaga na lamang ito ng P150 kada ticket. Ang pagtitipong ito ay bukas sa lahat ng nais makilahok o makiisa sa gaganaping thanksgiving party ng 1RPTIC. Ito ay bilang pasasalamat sa patuloy ninyong suporta at pagtangkilik sa 1RPTIC at para na rin sa pagpasok ng 2013. At upang maging malinaw sa inyong mga suki, maaring magtungo sa 1RPTIC sa 4/F Lemon Square Building, Katipunan, EDSA, Quezon City o tumawag sa (02) 3765256, 09165129630, 09127204145 at 09094339057.

Merry Christmas sa lahat ng mga suki!

ANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINE

ANG DAMAYAN FOUNDATION

CELL PHONE

COMPOSTELA VALLEY

F LEMON SQUARE BUILDING

FORD FOCUS

HONG KONG

MERRY CHRISTMAS

STAR GROUP OF PUBLICATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with