Nasaan ang Diyos?
SA Estados Unidos, ipinagbabawal na sa mga paaralan ang pagdarasal at pamamahagi ng Bibliya sa mga paaralan. Lumalakas din ang kilusan ng mga atheist o mga taong di naniniwala sa Diyos at ibig ipaalis ang sambit ng ngalan ng Diyos sa Konstitusyon.
Kamakailan ay ginulantang ang buong mundo ng balitang walang habas na pamamaril sa mga inosenteng pupils ng isang elementary school sa Connecticut, USA na ikinamatay nang maraming paslit. Pati si Presidente Barrack Obama ay naluha sa pangyayari. Sa hindi maunawaang dahilan, ang salarin ay isa ring tin-edyer na nagpakamatay din matapos paslangin ang mga batang mag-aaral.
Isang mag-aaral daw ang nagtanong sa kanyang guro: “Ma’m, why did God allow such thing to happen?” at ang tugon ng guro na isang mananampalataya ay walang gatol na “because we don’t allow God in our school.”
Napanood ko rin ang panayam sa isang mambabatas sa Connecticut na tinanong din ng magulang ng isa sa mga batang biktima nang: “Where was God!”
Ang sagot ng Amerikanong mambabatas: “We escorted Him out of our society.”
Dagdag pa ng mambabatas na isang Kristiyano, dapat ibalik ang Diyos sa lipunan. Sakto ang sagot ng mambabatas. Kapag may nangyaring kahilahilakbot, may mga nagtatanong kung nasaan ang Diyos at nakakalimutan na nila na ang Diyos ay “sinipa” na mula sa kanilang paniniwala.
Hindi ito unang insidente. Ilang taon na ang nakararaan, mayroon ding namaril sa isang day care center na ikinamatay ng ilang batang inaalagaan doon. Mayroon ding insidente ng sniping o pamamaril ng dalawang kabataan na bago naaresto ay marami na ang napapatay.
Pinag-uusapan na ng mga mambabatas sa Amerika ang paghihigpit sa pagma-may-ari ng baril para maiwasan ang ganyang mga insidente. Palibhasa, ang baril sa Amerika ay puwedeng bilhin ng over the counter. Ang ikalulutas ng problemang ito ay wala sa paghihigpit sa gun ownership kundi sa pagbabalik-loob sa Diyos ng mga tao.
- Latest