^

PSN Opinyon

Balloguing (5)

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALAKAS ang kutob ni Engr. Orlando Balloguing, municipal administrator ng Pugo, La Union na ang kalaban niya sa pulitika ang may pakana ng kasong parricide at obstruction of justice na isinampa laban sa kanya at asawang si Mayor Noime Balloguing. Si Orlando ay tatakbong mayor sa May elections at papalitan si Noemi. Sinabi ni Orlando na ang isinampang kaso laban sa kanilang mag-asawa ay walang basehan kaya dapat i-dismiss for lack of merit. Maraming naunang kaso na inihalimbawa ang abogado ni Orlando kung saan magpapatunay na hindi dapat magsampa ng kaso si Chief Insp. Cesar Paday-os ng CIDG La Union at iginiit pa na hindi naman siya kaanak ng yumaong si Pio “Jessie Boy” Balloguing. Ayon kay Orlando, ang kaso ay ipinilit lang ng kampo ng kalaban niya sa pulitika para pigilan ang pagtakbo niya.

Hindi naman lingid sa taga-Pugo na walang pagmamahal ang mag-asawang Balloguing sa anak nilang si Jessie Boy. Lumalabas kasi na dahil sa ayaw puma-yag ng mga Balloguing’s na ipa-autopsy ang bangkay ni Jessie Boy para malaman ang tunay na dahilan sa kanyang kamatayan, parang ayaw din nilang bigyan ito ng hustisya. At nagtataka pa ang taga-Pugo kung bakit kay Orlando sumuko ang itinuturong gunman na si Orly Padillo at hindi sa pulisya. At bakit nawawala ang ginamit na baril? Bakit nilinis ang crime scene at ni wala man lang ni isang ebidensiya na nakalap ang scene of the crime operatives (SOCO)? Maraming katanungan na ang dapat sumagot ay sina Orlando at Noemi.

Bilang ama, kahit hindi mo pa kasundo ang anak mo, dapat galit na galit si Orlando kay Padillo, na nagsabing sinugod siya ni Jessie Boy kaya idinipensa niya ang sarili. Subalit sa limang tama ni Jessie Boy sa katawan, hindi na ito self-defense, ani Paday-os sa kanyang affidavit      complaint. Sinabi ng mga kausap ko sa Pugo na kalmante lang si Orlando nang sumipot sa pulis­ya para isuko si Padillo. Namatayan ka na nga ng anak eh kalmante ka pa? Para bang walang nangyari? Ano ba ‘yan? Kung sabagay, nang mapatay si Jessie Boy noong Mayo 15, nagtestigo ito sa attempted parricide sa kaso na isinampa niya laban kay Orlando noong 2011, isang araw ang nakaraan. Kung hindi namatay si Jessie Boy, sana titestigo siyang muli sa kaso sa petsa Mayo 28, 2012. Talagang hindi mamahalin ni Orlando ang anak na si Jessie Boy dahil may lamat na ang r­elasyon nila dahil sa kaso. Sinabi naman ni Paday-os sa kanyang rejoinder sa kaso na hindi niya itinuturo si Orlando bilang gunman ni Jessie Boy. Aniya, ninais lang nilang kunin ang fac-tual circumstances sa pagkamatay ni Jessie Boy kaya pinalawak nila ang imbestigasyon sa kaso. Iginiit na muli ni Paday-os sa korte na i-order nito ang pag-exhume sa bangkay ni Jessie Boy para masuri kung ano talaga ang ikinamatay nito at malaman kung anong baril ang ginamit.

Abangan!

BALLOGUING

BOY

JESSIE

JESSIE BOY

KASO

LA UNION

ORLANDO

PADAY

PUGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with