^

PSN Opinyon

Stem cell treatment

DOKTORA NG MASA - Sen Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

PINAG-UUSAPAN ngayon ang stem cell treatment.  Ito ‘yung pag-injection ng healthy cells sa isang tao upang magamot ang kanyang sakit at upang mapanumbalik ang kalusugan ng kanyang katawan at vital organs. Ang ii-inject na healthy cells umano ay dumarami upang palitan ang damaged cells sa katawan.

Kaugnay nito, napagkuwentuhan namin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada si Dr. Wilson Gan, isang stem cell specialist, na nagdiwang ng kaarawan noong Nobyembre 6 at nagpapatayo ng bagong klinika sa Bgy. Laging Handa sa Quezon City upang maging mas accessible sa mga Pilipino ang modernong medical technology.

Ilang nakaranas ng problemang medikal na natulu-ngan ng stem cell procedure ni Dr. Gan ay sina Eduard Burgos (dating production manager ng mga pahayagang We Forum at Malaya), Bulacan Provincial Administrator Jim Valerio at ang negosyanteng si Ricardo Ventura ng Nueva Ecija.

Ibinahagi ni Dr. Gan ang positibong resulta ng medical study na kinomisyon ng US National Institutes of Health na tinalakay sa American Heart Association conference          sa California at inilathala sa Journal of the American Medical Association. Subject ng study ang pag-injection ng stem cell sa mga heart attack patient upang mapalusog muli ang kanilang puso na nagka-cell/tissue damage.

Sa kasalukuyan, ang stem cell na ini-inject ay kinukuha sa malusog na parte ng katawan ng mismong pasyente, o kaya ay sa inunan ng bagong silang na sanggol, o sa hayop tulad ng tupa. Ito ay isasailalim sa pro­ cessing para magamit.

Base sa nasabing pag-aaral, ang stem cell ay puwede nang magmula sa ibang tao na nais mag-donate nito, at maaari na rin itong iproseso agad at iimbak upang magamit anumang oras ng sinumang manga­ngailangan nito. Ang natu­rang sistema umano ay tulad din ng pag-iimbak ng dugo sa blood bank.

Ayon kay Dr. Gan, da­pat mapaunlad nang hus­to ang stem cell techno-logy bilang solusyon sa medical and health concerns ng mga tao.

 

AMERICAN HEART ASSOCIATION

BULACAN PROVINCIAL ADMINISTRATOR JIM VALERIO

CELL

DR. GAN

DR. WILSON GAN

EDUARD BURGOS

JOURNAL OF THE AMERICAN MEDICAL ASSOCIATION

LAGING HANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with