^

PSN Opinyon

Nasaan na ang mga tuna?

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

TUNA ang naging numero unong produkto ng General Santos City at mga karatig lugar nito sa timog Mindanao. Naging kilala ang General Santos City bilang tuna capital ng bansa na kung saan ang mga produkto nitong fresh at canned tuna ay ini-export pa nga sa ibang bansa, lalo na sa Japan.

Ngunit nitong mga huling buwan ay bumaba ang naging huli ng ating mga mangingisda lalo na at wala na ngang makukuha sa karagatan ng Pilipinas. Kaya nga dumarayo pa sa Indonesia, Papua New Guinea at maging sa Palau ang ating mga mangingisda upang makahagilap lang ng tuna at iba pang isda.

Kadalasan nahuhuli ang ating mga mangingisda dahil nga sa illegal na pagpasok sa karagatan o territorial waters ng Indonesia, Palau at Papua New Guinea. Pabalik-balik na lang sa mga kulungan ng mga nasabing bansa ang ating mga mangingisda.

Ang masaklap nga ay bumaba sa may 85 percent and naging tuna catch nitong taon sa General Santos City.

Kung ganun kababa ang tuna harvest ibig sabihin ay talagang malaki ang problema ngayon ng nasabing industriya.

Kung dati umaabot sa 2,000 metric ton ang tuna na binabagsak sa General Santos City, nitong mga huling araw ay nasa 300 hanggang 400 metric tons lang.

Ayon sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), dati raw ay umaabot hanggang 1,771 MT ang skipjack tuna na binababa sa nasabing siyudad dito sa Mindanao.

Ngunit ngayon ay hanggang 271 MT na lang ang skipjack tuna na ginagamit para sa canned tuna processing. Bumaba nga ng may 85 percent ang produksyong ng nasabing isda.

Sa nagaganap sa ating karagatan isa lang ang ibig sabihin nito—na nagkaubusan na nga ng tuna.

Sana gumawa ng paraan na mapalitan ang mga nawawalang tuna stock. Huwag munang pumalaot ang ating mangingisda at bigyan ng panahon na makapagpahinga naman ang ating mga karagatan.

ATING

AYON

GENERAL SANTOS CITY

MINDANAO

NGUNIT

PALAU

PAPUA NEW GUINEA

PHILIPPINE FISHERIES DEVELOPMENT AUTHORITY

TUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with