^

PSN Opinyon

Dependence

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - The Philippine Star

COMPETENCE. Integrity. Probity. Independence. Sa im­ peachment trial ni Chief Justice Renato C. Corona at sa mahabang proseso ng pagpili ng kanyang kapalit, ang mga katangiang ito ang naging bukambibig ng bayan na pamantayan ng isang Punong Mahistrado. Hindi naman ito galing sa bula. Sa buong mundo ay sadyang itong apat na katangian ng Competence, Integrity, Probity and Independence ang hinahanap sa mga Huwes. Kaya mismong sa Konstitusyon ay nakatitik ito bilang kwalipikasyon ng hihiranging myembro ng hudikatura.

Pagdating naman sa Constitutional Commissions – tulad ng Commission on Audit, Civil Service Commission at lalo na ng Commission on Elections (Comelec), iisa lamang ang katangiang sinisiguro ng Saligang Batas na taglay ng isang Commissioner. Ito’y walang iba kung hindi ang Independence. Kaya ipinagbabawal ang pagkakaroon nila ng ibang trabaho, propesyon o negosyo, o ang pagmeron ng interes sa anumang kontrata, prangkisa o pribilehiyong mula sa gobyerno. Bawal ding bawasan ang kanilang sahod habang sila’y nanunungkulan. Ang mga Komisyon ay binigyan din ng fiscal autonomy nang hindi sila madiktahan ng Ehekutibo, Lehislatura o Hudikatura. Ang lahat ng probisyong ito ay sinadya upang mapangatawanan ng mga myembro ng Komisyon ang minimithing Independence mula sa impluwensya ng mga kagawaran.

Sa ganitong pamantayan dapat suriin ang pagluklok ng Presidente kay Governor Grace Padaca bilang Commissioner ng Comelec. Bilib yata si P-Noy sa integridad ni Padaca kung kaya, kahit na dumaan na ang kaso nito ng Graft and Corruption mismo sa kamay ng Ombudsman, sinampa na sa Sandiganbayan at nag-issue na ng warrant arrest laban sa kanya ay dali-dali pa rin niyang inappoint. At para pangatawanan ang lalim ng kanyang tiwala ay nagluwal ito ng P70,000 mula sa sariing bulsa para piyansahan.

Ang hindi niya inisip at ni hindi rin napansin ni Padaca na hindi tumanggi sa tulong ay sa isang iglap nakumpromiso ang Independence ni Padaca bilang Commissioner. Sino pa ngayon ang maniniwala na kakayanin pa niyang hindian ang anumang hiling ng Presidente?

GRACE PADACA

GRADE:

INTEGRITY               –      ?

INDEPENDENCE   --      0

vuukle comment

CHIEF JUSTICE RENATO C

CIVIL SERVICE COMMISSION

COMELEC

CONSTITUTIONAL COMMISSIONS

GOVERNOR GRACE PADACA

GRAFT AND CORRUPTION

KAYA

KOMISYON

PADACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with