^

PSN Opinyon

Anong dahilan ng typhoid fever?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star

“Dr. Elicaño, ano po ba ang dahilan at nagkakaroon ng typhoid fever? Saan ba nakukuha ito? Ano po ang mga palatandaan na may typhoid? Maraming salamat po.” –Grace Lacatan, Or. Mindoro

 Ang typhoid ay infectious disease sa gastrointestinal tract na kagagawan ng bacterium Salmonella typhi. Kadalasang ang mga nagkakaroon ng sakit na ito ay mga taong nakatira sa isang maruming kapaligiran --- walang malinis na inuming tubig, walang toilet at ang mga basura ay nagkalat at nasisipsip ng mga sirang tubo ng tubig.

Ang mga sintomas ng typhoid ay ang pananakit ng ulo, pagdurugo ng ilong, pananakit ng mga kasu-kasuan, pangangati ng lalamunan, at pananakit ng tiyan.

Kapag hindi nalunasan, magkakaroon nang mataas na lagnat. Paakyat nang paakyat ang pagtaas ng temperature ng katawan. At ang kasunod ay ang pagbabago ng appearance ng dila, pagkauhaw, pagtatae na may kasamang dugo at ang pagkakaroon ng “rose spots” sa tiyan at dibdib.

Kapag ang lagnat ay nasa mataas na mataas, manghihina ang biktima at hindi kakayaning bumangon. Magkakaroon din nang mahinang tibok ng puso.

Ang mga kumplikasyon ng typhoid ay ang pneumonia, acute hepatitis. Cholecystitis, meningitis, tissue abscesses, endocarditis at kidney inflammation.

Antibiotics ang ibinibigay sa pasyente. Kabilang dito ang chloramphenicol, ampicillin, ceftriaxone at cefoperazone.

Kailangan ang proper hygiene para hindi kumalat ang infection. Dapat ma-sterilized ang mga unan, kumot ng pasyente. Dapat regular na maghugas ng kamay. Nararapat na ilutong mabuti ang pagkain at pakuluan ang inuming tubig.

ANO

DAPAT

DR. ELICA

GRACE LACATAN

KABILANG

KADALASANG

KAILANGAN

KAPAG

MAGKAKAROON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with