^

PSN Opinyon

'Minaltratong kasambahay'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

LAMAN ng balita ang pagharap noong Lunes sa witness stand ng Quezon City court ng kasambahay na nabulag dahil sa matinding pambubugbog ng kanyang mga dating amo. Seven counts ng serious physical injuries, two counts ng attempted murder at serious illegal detention ang hinaharap sa ngayon ng mag-asawang Reynold at Anna Liza Marzan.

Matapos pumutok ang balita nang paglantad sa publiko ng binugbog na kasambahay ng mag-asawang Marzan, isang rebelasyon ang ikinagulat ng BITAG. Ang dati nang na-BITAG ng aming grupo na si Anabelle Catajan sa parehong kaso ng pangmamaltrato sa kasambahay, ay kapatid pala ni Anna Liza Marzan.

Dahil sa nakausap naming kasambahay na nagawang makatakas mula kay Anabelle, naituro niya sa BITAG ang kinaroroonan at patuloy na nararanasang pagmamalupit sa iba pa niyang kasamahang naiwan.

Kilos prontong nakipag-ugnayan ang BITAG sa Quezon City Social Services and Welfare Development at Women and Children Protection Desk sa Camp Karingal. Agad na ikinasa ang isang rescue operation tinungo ng BITAG kasama ng mga operatiba ang condo unit ni Anabelle Catajan para sa mga naiwang kasambahay na nakararanas pa umano ng torture mula sa kanilang amo.

Pagdating sa bahay ni Anabelle, kumpirmado ang mga sumbong ng nakatakas na kasambahay na nakausap ng BITAG. Kitang-kita ang mga sugat at pilat ng ginawang pananakit at pambubugbog sa kanya ng among si Anabelle.

Bukod sa sampal, suntok at tadyak na tinatamo sa tuwing mag-iinit ang ulo ng kanilang amo, maging ang pagplantsa sa kanilang balat, pagbuhos ng mainit na   tubig ay ginagawa sa kanila ng kanilang amo. Kung minsan, napagkakatuwaan din ni Anabelle na ipainom sa kanyang mga kasambahay ang dura ng mga kasamahan nito at ipaamoy ang maseselang bahagi ng kanilang katawan sa isa’t isa.

Kaya naman sa kasalukuyan, nababahala ang BITAG at maging ang Senado sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kasambahay na nato-torture sa kamay ng kanilang mga amo.

Paalala ng BITAG sa lahat ng aming mga tagasubaybay, ang bawat kasamaan ay may hangganan at ang mga ganitong uri ng pangmamaltrato sa kapwa tulad ng ginawa ng magkapatid na Anna Liza at Annabelle ay hindi dapat pinalalampas.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

vuukle comment

ANABELLE

ANABELLE CATAJAN

ANNA LIZA

ANNA LIZA MARZAN

BITAG

CAMP KARINGAL

KALAW HILLS

KASAMBAHAY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with