Kapanalig kay Hesukristo
SA Aklat ng mga Bilang ay ipinahayag na sina Eldad at Medad ay inereklamo ni Josue kay Moises sapagka’t sila ay nangangaral at nagpapahayag ng kabutihan ng Diyos gayong sila ay hindi nila kapanalig. Kaya sinabi ni Moises: “Nangangamba ka bang ako’y mabawasan ng karangalan?” Ngayon na iisa lamang si Hesukristo sa Kanyang pangaral, pagpapagaling at pagpapatawad sa atin ay bakit marami pa ang nagkakahiwa-hiwalay at iba’t iba ang pananampalataya sa Kanya?
Ang Kristiyanismo ay isang pananampalataya na si Hesukristo ay Diyos na totoo at taong totoo na laganap sa buong daigdig bilang isang relihiyon na iba’t ibang sa-ngay, pangalan at pamunuan —Katoliko-Romano, Greek Orthodox, Anglican, Aglipayan at iba’t ibang sangay ng mga Protestante. Ang Kristiyanismo ang ating sandigan ng kaligtasan para sa buhay na walang hanggan.
Ang bunga ng mabuting pangaral ay ang kabutihan sa kapwa at ang ating tanging kabanalan ay ang paggalang sa mga mang-gagawa ng ating ikabubuhay. Sila’y ating ipagpasalamat sa Poong Maykapal. Maging si Juan na bukod-tanging alagad ay hindi matanggap ang nakita niyang kabutihan: “Nakakita po kami ng isang tao na nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ng pangalan Mo, pinagbawalan namin sapagka’t hindi natin siya kasamahan”. Kaya katulad ni Moises ay sinabi ni Hesukristo: “Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan Ko agad nagsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin”.
Maging sa ating mga organisasyon lalung-lalo na sa politika ay huwag tayong maging talamak na siraan ang ating mga bagong lider o pinuno. Sa halip ay atin
silang bigyan ng pagkaka-taon upang ipahayag sa atin ang kanilang mabubuting plano sa ating ikauunlad sa samahan at sa ating bayan. Ganundin sa iba’t ibang sangay ng Kristiyanismo ay patuloy nating ipanalangin na pawang kabutihan at kabanalan ang ating ipangaral.
Bilang 11:25-29; Salmo19; Santiago 5:1-6 at Mk 9:38-43,45,47-48
- Latest
- Trending