Trinidad, Calixto at Del Rosario
MAGIGING three-cornered fight pala ang labanan sa pagka-mayor sa Pasay City sa 2013 election. Ang kumakalat na balita sa Pasay, nais bumalik sa dati niyang puwesto si Peewee Trinidad at hahamunin niyang muli si incumbent Mayor Tony Calixto. Medyo magiging masalimuot ang labanan ng pulitika sa Pasay nang ihayag din ng negosyanteng si Jorge del Rosario ang planong tumakbo. Alam ng mga taga-Pasay na si Del Rosario ang namuhunan nang tumakbo si Calixto nang nakaraang election. Mukhang hindi sumunod sa kasunduan si Calixto kaya mina- buti ni Del Rosario na siya na ang tatakbo para direkta ang grasya sa kanya.
Kung sabagay, hindi na dapat mabalisa si Calixto dahil madamo na siya. Sa tingin ng mga kausap ko, hindi na siya kakapusin pa sa suporta sa darating na election dahil patuloy ang video karera ni Boy Salazar. Batid ng mga kausap ko na P30,000 ang nakukulimbat ng bagman ni Calixto na si Motie Arceo kay Salazar kada linggo bukod pa ang sa mga colorum na pilahan ng mga SUV. Madaling malaman kasi nagkakahitot-hitot ang trapik sa Gil Puyat at Pasay Rotonda. Ayon sa aking mga nakausap sa Pasay City kinaugalian na yan na tuwing election, ang mga gambling lords na tulad ni Salazar ay naglalagak ng pondo sa war chest ng mga kandidato, lalo na sa incumbent na si Calixto. Kaya prenteng nakaupo lang sa kanyang bangko si Calixto habang ang mga kalaban ay naghahanap pa ng sponsor para mapunuan ang puhunan sa election. Pero kuwidaw si Calixto dahil sobra-sobra ang pera ni Del Rosario.
Habang patuloy ang video karera ni Salazar, nadadawit ang pangalan ni NCRPO chief Dir. Alan Purisima. Nasa likod ng video karera ni Salazar si Major Premor na bata ni Purisima. Nakaalalay naman si Jun Bernardino na ayon sa mga kausap ko ay bagman ni Purisima. Di ba ang Pasay police chief na si Sr. Supt. Melchor “Batman” Reyes ay bata rin ni Purisima? Alam kaya ni Purisima ang ginagawa ng mga bataan niya?
Bakit gigibain ni Purisima ang mabangong pangalan niya kay P-Noy, e ilang tulog na lang, PNP chief na siya? Para naman sa kaalaman ni DILG Sec. Jesse Robredo, patuloy din ang pag-iikot nina Leonardo Poblador alyas Nardo at Jerry Montecillo alyas Jerry Salacot sa mga gambling lords at beerhouse owners para ihingi ang opisina niya ng lingguhang intelihensiya. Ang balita ko, sinasanay na rin ni Montecillo ang anak n’ya sa ganitong trabaho. Abangan!
- Latest
- Trending