^

PSN Opinyon

'Tibayan Drug Group'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

IBANG klaseng isda ang nalambat ng BITAG kasama ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Navotas City.

 Kilala ang lugar na ito na bagsakan ng mga nahuhu-ling isda dahil pangingisda rin ang pangunahing hanapbuhay ng mga residente dito lalo na ‘yung mga nakatira malapit sa tabing-dagat.

 Pero sa kabila ng pagiging sentro ng kalakalan at merkado ng industriya ng pangingisda, hindi nakaligtas sa pang-amoy ng mga operatiba ang lansang itinatago sa ilang bahagi ng lungsod.

 Dalawa sa mga barangay na naririto, pugad ng mga tulak at gumagamit ng iligal na droga! Maliban sa ibang mga residente, dinarayo rin ng mga parukyano ng iligal na gawaing ito ang Barangay Dulong Tangos at Barangay Daang-hari.

 Masusing binantayan at pinag-aralan ng mga ope-ratiba mula sa PDEA at ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang sistema ng pagbebenta at paggamit ng droga sa naturang mga lugar.

 Base sa imbestigasyon, isang grupo lamang ang nasa likod ng monopolyo ng droga sa dalawang barangay na ito, ang Tibayan Drug Group. Sa pamumuno ni Ronaldo Jorge alyas Buboy, patuloy ang grupo sa kalakaran ng iligal na gamot kahit pa ilang beses nang nasampolan ng PDEA ang mga barangay na ito.

 Maliban kay Buboy, isa-isa ring pinangalanan at tinukoy ang mga miyembro ng grupo.

 Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Navotas, pina-ngunahan ni Major John Rey Tiangco ang pagpaplano.

 Sanib-pwersang binuo ng BITAG, PDEA-NCR Special Enforcement Service sa pamumuno ni Director Wilkins Villanueva ang isasagawang operasyon para masakote ang mga target na subject sa dalawang barangay. Sampung bahay ang nakakasang lusubin ng aming grupo bago pa man pumutok ang liwanag.

 Lahat ng target na bahay, tinitirhan ng mga miyembro at ng mismong lider ng Tibayan Drug Group na si Buboy.

 Panoorin mamayang gabi sa BITAG sa TV 5 ang aktuwal na ikinasang operasyon ng BITAG at ng mga operatiba ng PDEA.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

BARANGAY DAANG

BARANGAY DULONG TANGOS

BUBOY

DIRECTOR WILKINS VILLANUEVA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG GROUP

KALAW HILLS

MAJOR JOHN REY TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with