^

PSN Opinyon

P20,000 reward money

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

Naglaan ng ‘reward money’ si VW Silverio ‘Biyong’ Garing, pangulo ng Muntinlupa Square and Compass Club sa makakapagturo o makakahuli sa mga gagong magnanakaw na tumangay ng may 200 meters electrical wiring No. 4, na nakakabit sa Muntinlupa Masonic Temple, dyan sa Emerald Hills, Victoria Homes, Tunasan, Muntinlupa City noong Sabado (Aug.4) sa pagitan ng alas-12:30 am hanggang ala-una ng madaling araw.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak may nakakita sa mga gagong magnanakaw kaya naman hinikayat ni VW Garing ang mga bounty hunter para masungkit ang mga kamoteng ito dahil may gantimpalang P20,000 cash money si Biyong sa makakapatay este mali makakahuli pala.

Abangan.

Mga pusakal ayaw lumabas ng lungga

Mukhang pakaang-kaang ang pulisya pagdating sa usapin ng paghuli sa limang pusakal na ‘hide and seek’ ngayon dahil ayaw nilang magsisuko sa batas para panagutan ang kanilang mga nagawang krimen.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang humihina ang intel networking ng pulisya pagda­ting sa usapin ng limang wanted na pusakal na sina dating Army Chief ret. Major Gen. Jovito Palparan, dating Palawan Gov. Joel Reyes at utot este mali utol pala nitong si Coron Mayor Mario Reyes, dating Dinagat Rep. Ruben Ecleo at Globe Asiatique’s Delfin Lee. anak nitong si Dexter at tatlong iba pang kasamahan nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang ayaw magpakawala ng ‘intelligence fund’ ng higher ups dyan sa Crame para suyurin at magtrabaho ng husto ang mga kamoteng pusakal na wanted sa batas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may small amount of money na gantimpala na inilabas para masungkit ang mga kamoteng pugante pero up to now ay wala pa rin makapagturo sa mga ito kung nasaang lungga sila nakatirik.

Ano kaya ang kailangan para mahuli sila?

Sagot - lakihan ang reward money!

Ayon sa ulat ng gobierno, si Palparan ay itinuturong nasa likod daw ng series of extra judicial killings, human rights violation at sinasabing mastermind sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noon pang 2006.

Ang mag-utol na Reyes ay sangkot at utak sa pagtigok kay Palawan broadcaster at environmentalist Gerardo “Doc Gerry’ Ortega last January 2011.

Si Rep. Ecleo ay wanted naman sa kasong murder sa esmi nitong si Alona Bacolod.

Ang mag-erpat na Delfin at Dexter Lee kasama ang tatlong iba pa ay sangkot sa multi–billion peso scam sa loans sa HDMF o PAG-IBIG Fund.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, niloko ng mag-erpat na Lee and others ang gobierno at mga mahihirap na bumili sa kanila ng house and lot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan ipaskel sa lahat ng lugar, media, twitter, facebook echetera ang litrato ng mga kamoteng pugante para mas madali silang makilala ng mga magngunguso sa kanila.

Asan sila?

Abangan.

Mga bright nakamote sa RH Bill

Natulala ang kaparian nang itigil last Monday ang inter­pelasyon regarding sa very controversial issue na Reproductive Health Bill nabigla halos lahat nang ihinto ang debate tungkol dito.

Sabi nga, natulala!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masakit at masama ang loob ng kaparian sa nangyari sa Kamara last Monday.

Ika nga, hindi nila matanggap na malalaglag ang kanilang pinaglalaban!

Abangan.

ABANGAN

ARMY CHIEF

ASSET

AYON

BIYONG

CORON MAYOR MARIO REYES

DELFIN LEE

DEXTER LEE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with