^

PSN Opinyon

Video karera operation ni Salazar, tuldukan!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

Kung tumaas man ang bilang ng kriminalidad sa Metro Manila, malaki ang papel na ginampanan ng malawakang video karera operation ng isang alyas Boy Salazar sa Pasay City. Kapag ang isang parukyano ng video karera ay wala nang perang pantaya, saan pa ba siya itutulak kundi sa pagiging kriminal. Sinabi ng mga kausap ko sa Pasay City na halos may tatlong video karera sa kada kalye sa Pasay City sa ngayon kaya’t tiba-tiba ang bagman ni Mayor Antonio Calixto na si Motie Arceo. Ang lingguhan pala ni Salazar kay Arceo ay P30,000. Ang sa SOU naman ay P5,000 kada linggo ang parating ni Boy Salazar, P1,000 sa mga PCP, P2,000 sa intelligence at P3,000 sa CID. At ang nasa likod ng operation ni Salazar ay si Major Premor na bagyo naman daw kay NCPRO chief Dir. Alan Purisima. Hehehe! Ngayon, PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome, paano mo mapatitigil ang video karera operation ni Salazar?

Para sa kaalaman naman ni Interior Sec. Jesse Robredo, P5,000 kada linggo naman ang kinokolekta ni Jerry Salacot para sa opisina ni Purisima ke Salazar. Kung mabilis si Robredo na magtapon ng mga pulis sa Mindanao, dapat sigurong ipaaresto rin niya si Salacot at kasuhan para maniwala ang sambayanan na hindi talaga siya nakikinabang sa mga pasugalan.

Sinabi ng mga kausap ko na kumpleto-rekado ang lingguhang intelihensiya ni Boy Salazar kaya’t wala siyang takot na maglagak ng video karera sa siyudad ni Mayor Moti Arceo…este Mayor Calixto pala. Sa NCRPO P5,000 din kada linggo ang hatag ni Salazar kay Jun Bernardino, P5,000 din kay Sgt. Tinya ng SPD SOU, CIDG sa Camp Crame P10,000, CIDG NCR P3,000 at sa Intelligence Group ni Chief Superintendent Charles Calima ay P3,000 din.

Maliwanag mga suki na kung tumaas man ang bilang ng kriminalidad sa Metro Manila yan ay dahil wala sa kalye ang mga pulis natin. Lalo na sa Pasay City, ang mga pulis ay nag-oorbit kay Boy Salazar. Maliban kay Arceo na ang intelihensiya ay inihahatid sa opisina ng tatay niya sa Sports Complex, ang kay Robredo at para sa mga kapulisan ay kinukuha ng mga kolektor sa bahay ni Salazar. Kaya kung seryoso itong sina Robredo at Bartolome na tuldukan na ang video karera operation ni Salazar, wala silang gagawin kundi mag-abang sa bahay nito at presto….huli sa akto ang mga kolektor tulad nina Salacot, Bernardino, at iba pa. Hala kilos na Sec. Robredo at Gen. Bartolome bago pa lumala ang kriminalidad sa Metro Manila.

Abangan!

ALAN PURISIMA

ARCEO

BARTOLOME

BOY SALAZAR

CAMP CRAME

METRO MANILA

PASAY CITY

ROBREDO

SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with