^

PSN Opinyon

Nagiging dahilan ba ng cancer ang hindi fit na dentures?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star

“Dear Dr. Elicaño, mayroon akong nabasang artikulo na ang hindi raw maayos o ang masyadong masikip na pustiso ay nagiging dahilan ng cancer sa cheek at palate? Gaano po katotoo ito at paano nangyayari ito?” —MELBA R. SANTOS, Parañaque City

Totoo na nagiging dahilan ng cancer sa cheek at palate ang hindi maayos na pagkakalagay ng pustiso. Nangyayari ito kapag sobra na ang irritation. Ipinapayo ko na kapag hindi maganda ang pagkakalagay o pagkaka-fit ng dentures, agad isangguni sa dentista at baka mauwi sa mas lalong malaking problema.

* * *

“Dr. Elicaño, gaano po katagal bago ang isang na-diagnosed na benign tumor ay maging cancer?”  — CORAZON LINGA, Project 6, QC

Bihirang mangyari na ang na-diagnosed na benign tumor ay nagiging cancer, ganunman, may mga pagkakataon na possible itong mauwi sa cancer.

* * *

“Meron po bang mga tao na masyadong prone sa cancer kaysa ibang tao?”  –CHITO SAPALLO, Makiling St., Sampaloc, Manila

Walang pag-aaral o basehan ukol sa pagkakaiba ng mga tao kapag tinamaan ng cancer. Mas binibigyan ng bigat ‘yung mga taong may relatives na nagkaroon ng cancer. Sila ang sinasabing prone sa cancer.

BIHIRANG

CANCER

DR. ELICA

GAANO

IPINAPAYO

MAKILING ST.

MERON

NANGYAYARI

SILA

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with