^

PSN Opinyon

Ama laban sa ina

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - The Philippine Star

KUWENTO ito nina Danny, 18 at Elsa, 16. Nagkakilala sila sa isang party. Na-love at first sight sila at mula noon, madalas nang manood ng sine, kumain sa labas at mamasyal. Hindi nagtagal at nagtalik na sila. Hanggang isang araw, buntis na si Elsa. Sinabi niya ito kay Danny pero imbes panagutan ang dalaga, sinimulan itong iwasan. Para kay Danny, walang puwang ang kasal dahil hindi pa siya handa at hindi rin siya sigurado kung gusto niyang pakasalan si Elsa. Nang malaman ng mga magulang ang nangyari kay Elsa, inunawa at tinulungan ang anak sa pagbubuntis nito.

Nagsilang ng isang cute na sanggol na babae si    Elsa. Pinangalanan niya itong Angela at sa birth certificate ay parehong kinilala ni Danny at Elsa ang anak. Iyon nga lang, natuto na si Elsa. Hindi na niya gusto si Danny at ang mahalaga na lang sa kanya ay ang makuha ang solong kustodiya at pangangalaga kay Angela sa tulong ng kanyang mga magulang.

Lumaking magandang bata si Angela. Madalas siyang dalawin ni Danny at nagustuhan na siya ng ama. Noong 10-taong gulang na si Angela, hiningi ni Danny kay Elsa na ibigay sa kanya ang pangangalaga kay Ange­la para raw mas masuportahan niya ang anak. Ayaw puma-yag ni Elsa. Kaya nga ang nangyari ay nagsampa ng kaso si Danny sa korte para makuha ang kustodiya ng anak. Ayon sa kanya ay may karapatan naman siya sa anak dahil kini- lala niya ito sa birth certificate bilang anak niya sa labas.

Natalo si Danny sa kaso. Ang karapatan na alagaan, disiplinahin at magkaroon ng kustodiya kay Angela dahil sa sinasabing “parental authority” ay parehong hawak nina Elsa at Danny. Kaya lang, mas ginusto ni Angela na tumira sa piling ng ina. Sa ilalim ng batas (Sec. 6, Rule 100 Rules of Court), may kapangyarihan ang korte na ibigay ang kustodiya, panga­ngalaga at pagdisip­lina ng isang menor-de- edad na bata sa magulang na pipiliin niyang samahan, maliban na lang kung lalabas na hindi karapat-dapat ang magulang dahil immoral, lasenggo, walang kapasidad o lubhang duk­ha at hikahos ang sinasabing magulang (Garcia vs. Pangan, L-4362, Aug. 31, 1951).

Konektado sa kasong ito ayon sa Family Code, da­pat natin tandaan na ang mga anak na wala pang pitong taong gulang ay hindi puwedeng mahiwalay sa kanilang ina maliban na lang kung may dahilan ang korte para alisin sa kanya ang kustodiya ng bata.

ANAK

ANGE

ANGELA

AYAW

DANNY

ELSA

FAMILY CODE

KAY

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with