^

PSN Opinyon

Young blood sa politika

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

NAISULAT ko kamakailan ang napabalitang pagtakbo sa Senatorial race ng batang pamangkin ni yumaong ex-senator Benigno Aquino na si Palo “Bam” Aquino at marami tayong tinanggap na positibong komento. Palibhasa, itong si Bam ay ngayon lang sasabak sa politika pero mayroon nang magandang track record sa pagtataguyod ng small scale businesses bilang aktibong leader ng isang non-government organization.

Kabi-kabila daw ang bumuhos na pag-endorso sa kanyang kandidatura sa ilalim ng Liberal Party sa pamumuno ng kanyang pinsang buo, si Presidente Noynoy Aquino.

Palibhasa, ang mga botanteng Pilipino ay nagha-hanap ng mga bata at bagong mukha na may bagong adhikain, pananaw at kakayahan. 

 Matapos magretiro bilang tagapangulo ng National Youth Commission of the Philippines (NYCP) ni Bam, kasama ang kaibigang si Mark Ruiz ang Hapinoy Community Project na ang layunin ay tulungan ang mga may-ari ng mga sari-sari na mapalago ang kanilang mun­ting negosyo. Libu-libong storeowners sa buong bansa ang nakinabang sa tulong na binibigay ng Hapinoy. Umangat ang kabuhayan nila at nagkaroon ng pag-asa sa kanilang kinabukasan. Umani ng sandamakmak na papuri at mga award si Bam di lamang sa ating bansa kundi sa marami pang dako ng mundo.

Sa tingin ko, ang ganitong adhikain ang susi na mag­mumulat sa kahalagahan ng sariling-sikap at pag-ne-negosyo ng ating maliliit na kababayan. Sana’y tumulong pa ang ibang mga sektor   na palawakin ang adhikaing ito. Todo suporta naman umano sa proyekto ni Bam ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor (DOLE).

Nakatutuwa na nga­yon pa lamang, kahit wa­lang kaugnayan sa gobyerno si Bam ay nagagawa na niya ang ganyang serbis­yo sa bayan. Nawa, kung palaring maluklok sa Se­nado ay mas marami pang serbisyo ang maga­gawa niya.

Sana rin, hindi lamu­nin ng palsong sistema ng politika si Bam kapag nag­tagal sa paglilingkod sa pa­ mahalaan gaya nang nangyayari sa iba.

vuukle comment

BAM

BENIGNO AQUINO

DEPARTMENT OF LABOR

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HAPINOY COMMUNITY PROJECT

LIBERAL PARTY

MARK RUIZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with