^

PSN Opinyon

World Day of Happiness

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

WOW, bago ito: Idineklara ng United Nations kamakailan ang Marso 20 ng bawat taon bilang International Day of Happiness.

May senyales ito: Kulang na sa kaligayahan ang ating magulong daigdig.

Hindi nagkakasundo ang mga bansa, gaya nang sigalot ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal. Laganap ang digmaan sa ilang bansa tulad sa Gitnang Silangan. Dahil sa krisis sa ekonomiya lalu na sa mga bansang dating tinatawag na economic power, paano liligaya ang mga mamamayan ng mundo?

Sinasabi sa Proverbs 17: 22 “a merry heart works like medicine.” Kaso puwede bang maglabas ng batas na oobliga sa lahat na maging maligaya?

Kaunti na lang yata ang masayang tao. Marami akong nakakasalamuhang hindi na naniniwala sa Diyos. Kung may Diyos daw bakit laganap ang kahirapan at kasamaan.

Hindi masisisi ang Diyos. Ang bilin niya ay “magmahalan” ang bawat tao.

Kung laganap ang kahirapan, ito’y dahil maraming sakim na hindi marunong magmahal sa kapwa. Kung may patayan at nakawan, tao ang may kagagawan dahil hindi tumutupad sa bilin ng Diyos na tayo’y magmahalan. Kung nagkakaroon ng mga delubyo, ito’y dahil sa kasalahulaan ng maraming hindi maayos magtapon ng basura at yung mga ganid na namumutol ng punongkahoy sa kabundukan.

Kung nagpaparusa mang matatawag ang Diyos, hindi nanggagaling sa kanya ang kaparusahan kundi sa atin na mismo. Wika nga’y epekto ng ating mga palsong ginagawa.

vuukle comment

DAHIL

DIYOS

GITNANG SILANGAN

IDINEKLARA

INTERNATIONAL DAY OF HAPPINESS

KASO

KAUNTI

SCARBOROUGH SHOAL

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with