^

PSN Opinyon

'Namamana ba ang cancer?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star
Dr. Elicaño, magandang araw po sa iyo at ganundin sa iyong pamilya. Itatanong ko lang po kung ang sakit na cancer ay namamana. Kasi po mayroon akong kaibigang babae na namatay dahil sa cancer. Ang kanya pong ina ay namatay sa cancer at ang isa pa niyang matandang kapatid ay namatay din sa sakit na ito. Marami pong salamat sa pagsagot sa aking sulat.

—Luisa A. CruZ, P. Florentino St. Sampaloc, Manila

Hindi namamana ang cancer. Hindi rin ito nakakahawa. Ang sinasabi mong ang ina, kapatid at anak ay pawang namatay sa cancer ay hindi masasabing basehan na namamana ang cancer. Ang tanging cancer na hereditary ay ang cancer sa mata (Retinablastoma) at karaniwang sa bata tumatama. Naisasalin ang cancer na ito sa bawat henerasyon.

* * *

“Dr. Elicaño, ano pong uri ng cancer ang tumatama sa kababaihan na nasa edad 30?”

—Nora Hamol, Boac, Marinduque

Ang cancer sa suso ay karaniwang tumatama sa mga kababaihan na maagang nagkaregla at yung mga late menopause (tumigil ang regla pagkalampas ng 50-anyos). Tinatamaan din ang mga kababaihang hindi nagkaanak at ganundin ang mga kababaihang nanganak lampas ng 30-anyos.

* * *

Bakit po ang cancer sa lip (o lips) ay karaniwan sa kalalakihan? –Liza Manahan, Paco, Manila

Ang cancer sa lip ay karaniwan sa kalalakihan dahil sa kanilang paninigarilyo, paggamit ng pipa at tabako.

BAKIT

BOAC

CANCER

DR. ELICA

FLORENTINO ST. SAMPALOC

ITATANONG

KASI

LIZA MANAHAN

LUISA A

NORA HAMOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with