^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipagbawal ang plastic bags

- The Philippine Star

NANG umulan noong Linggo ng gabi, agad bu­maha sa maraming lugar sa Metro Manila. At ang resulta: Sinuspinde ang klase sa elementarya at high school. Bukod diyan, nagkaroon ng grabeng trapik sapagkat hindi makadaan ang mga sasakyan sa mga binahang lugar. Nagkabit-kabit ang problema dahil sa pagbaha. Yung mga bahay na binaha, walang magawa kundi tanggapin ang kapalaran na hindi na sila makakatakas pa sa baha. Nakagisnan na umano nila ang baha at walang nangyayaring pagbabago sa kanilang lugar. Kapag umulan na, nakahanda na ang kanilang sarili sa pagpasok ng baha sa kanilang bahay. Tanggap na nila ang kapalaran na kakambal na ng kanilang buhay ang baha.

Pero kung mag-iisip lamang ang mga binaha, mayroon silang magagawa para masolusyunan ang perwisyong baha. Huwag nang tangkilikin ang mga plastic bags at Styrofoam containers. Ang mga bagay na ito ang nagpapabara sa mga daanan ng tubig kaya nagkakaroon ng pagbaha. Ang mga plastic bags na itinapon sa mga estero at kanal ay habang panahon nang magpapabara sa mga imburnal. Hindi natutu-naw ang plastic bags, Styrofoam, noodle cup at iba pa. Maski ang mga upos ng sigarilyo ay hindi rin natutunaw. Kapag naipon ang mga upos ng sigarilyo sa drainage, lilikha ng pagbaha. Hahanap ng landas ang tubig at sa kalsada hihimpil. Kapag umapaw na ang kalsada, papasok na ang baha sa mga bahay.

Nang manalasa ang bagyong “Ondoy” noong 2009, sandamukal na mga plastic bags ang nakuha sa maraming bahay sa isang subdibisyon sa Marikina. Hinakot at tinambak ang mga plastic bags sa loob ng bahay. Ang pangyayaring iyon ang nagmulat sa maraming mayor ng mga bayan at lungsod para ipagbawal ang paggamit ng plastic bags sa kanilang nasasakupan. Ang sinumang mahuhu-ling gumagamit ng plastic bags ay pagmumultahin.

Noong Miyerkules, isa namang Lungsod sa Metro Manila ang nadagdag sa listahan ng mga nagbabawal sa paggamit ng plastic bags. Ang Makati City ay kahanay na ng Muntinlupa, San Juan, Quezon City at Marikina sa nagbabawal sa paggamit ng plastics. Kailan naman kaya susunod ang Maynila na maraming basurang plastic.

Ibawal ang plastic bags para masolusyunan ang baha.

ANG MAKATI CITY

BAGS

BAHA

KAPAG

METRO MANILA

NOONG MIYERKULES

PLASTIC

QUEZON CITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with