^

PSN Opinyon

Nakakahiya ang PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

HIYANG-HIYA ang mga retiradong pulis sa mga eskan­dalong nangyayari sa Philippine National Police (PNP) ngayon. Hindi pa natutuldukan ang chopper scam, rubberboat scam ay lumutang naman ang pension scam na binubusisi ng Ombudsman. Sa chopper scam, pinirmahan na ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang pagsibak kina PMA Class 1980 Chief Supts. Herold Ubalde at Luis Saligumba; Sr. Supts. Job Nolan Antonio, Mansue Lukban at Edgar Paatan; Supts. Roman Loreto, Linda Padojinog at Avensuel Dy; at Ruben Gongona, civi-lian employee. Noong isang araw, muli na namang nagulantang ang hanay ng PNP nang lumabas ang kautusan ng Ombudsman na tanggalin sa puwesto ang dalawang police officials dahil sa pagmaniobra at pamemeke ng pension ng pulis.

Ganyan na ba talaga ang kalakaran sa ngayon ng PNP na sa halip na sila ang magpapatupad ng batas para sa kapayapaan ng sambayanan sila na ngayon ang ginigisa at hinihiya sa lipunan? Kaya tuloy ang aking mga kausap na retarded este retirado ay nauupos sa kanilang kinatatayuan. Kung sabagay, palaging laman ng mga diyaryo, radyo’t telebisyon ang pang-aabuso ng mga bagitong pulis. Mukhang tumama ang kasabihan na “kung ano ang puno, iyon din ang bunga”. Kung ano ang ginagawa ng mga gahamang police official noong sila ang nasa puwesto ay nakikita ito ngayon sa mga bagitong pulis. Ang masakit, nadadamay ang matitinong pulis sa ginagawa ng mga bugok.

Kaya bago man lang sana magretiro si General Bartolome ay maiaahon niya sa kumunoy ang imahe ng PNP. Kahit lagi kong binabatikos si Bartolome dahil sa ginagawang kabulastugan ng ilang pulis, batid kong ginagawa niya ang ikabubuti ng PNP. Ang masakit, kahit anong galing ni Bartolome, kung ang padrino system pa rin ang umiiral sa lipunan tiyak mababalewala ito. Bukod sa mga matataas na opisyales ng Malacanang may mga religious group pa na kumakalinga. Ang sobrang pulitika na nangyayari sa ating bansa ang dahilan kung bakit napaparool ang ilang police officials. Ang pagpapautang     sa mga bagong graduate na pulis ang pangunahing dahilan kung bakit sila nanghaharibas at nang-aabuso.

Noong nakaraang linggo, tatlong pulis na nakilalang sina PO1 Jeffrey Antonio ng Aviation Security Group, PO1 Orlando de Leon ng Northern Police District at PO1 Jefferson Chua ng Pasay City Police ang bumaril sa tatlong binatilyo sa Bagong Barrio, Caloocan City. Abangan!

AVENSUEL DY

AVIATION SECURITY GROUP

BAGONG BARRIO

BARTOLOME

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPTS

EDGAR PAATAN

GENERAL BARTOLOME

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with