Batas!

NAKATAKDANG ipatupad dito sa Davao City ngayong darating na Hunyo 28 ang local ordinance na nagbabawal sa paggamit ng non-biodegradable plastic at polystyrene foam bilang bahagi ng Ecological Solid Waste Management Ordinance na pinasa noon pang 2009.

Determinado ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao na ipatupad ang nasabing ban na nagbabawal nga sa paggamit ng nasabing plastic at polystyrene foam sa susunod na mga araw.

Ngunit kinakailangang may mga bagay-bagay na dapat baguhin o amyendahan sa mga provisions ng nasabing ordinance dahil nga hindi nito maayos na i-explain kung ano ang mga sakop ng nasabing batas.

Maging si City Councilor Melchor Quitain ang naghikayat sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panglungsod na kailangang maipaliwanag ng mabuti kung ano ang mga kasali at hindi kasali gaya ng mga plastic na gamit ng bottled water o ibang food products na gawa pa sa ibang lugar.

Tinanong na rin ni Quitain kung ang mga food products at beverages o inumin na nasa mga plastic container ay ipagbawal na rin ba.

Nangako si Quitain na aayusin ang mga naiiwang gusot sa nasabing local ordinance at nang mapasa-ayos ang pagpatupad nito dito sa Davao City.

Gayun pa man, simula Hunyo 28, ang sino mang lumabag sa nasabing ban on the use of plastic and polystyrene foam ay papatawan ng P300 hanggang P5,000 na multa o di kaya’y pagkakulong ng anim na buwan.

Ang ban on the use of plastic and polystyrene foam ay isa lamang sa mga local ordinance na naging matagumpay ang pagpatupad dito sa Davao City.

Ang Davao City ay naging three-time awardee na sa Red Orchid award ng Deparment of Health dahil nga sa may sampung taon na nitong mahigpit na pinapatupad ang smoking ban.

Isa pang mahigpit na ipinagbabawal dito sa Davao City ay ang paggamit ng fireworks and pyrotechnic materials maging Pasko o New Year’s Eve o kahit anong araw ng taon.

Bawal din dito sa Davao City ang pagbenta ng inumin pagsapit ng alas dos ng madaling araw.

Madaming bawal dito sa Davao City ngunit maayos namang naipatupad ang mga nasabing batas. At ang ban on the use of plastics and polystyrene foam ay isa na namang batas na inaasahang maisakatuparan sa susunod na mga araw dito sa Davao City.

Show comments