^

PSN Opinyon

Pamana

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

KUNG meron akong ikinatuwa sa prosekusyon matapos hinatulan ng Senate impeachment court si Chief Justice Renato C. Corona, ito ay ang pagtimpi ng kanilang kasiyahan at selebrasyon. Tama lang na hindi ipinagdiwang ng prosekusyon sa publiko ang kanilang panalo. Sa totoo lang, bagamat higit na nakararami ang natuwa sa resulta, medyo mataas ang presyo nitong pagbabayaran ng lipunan. Nandun na ako’t ang mensahe o senyales ng hatol ay mahalaga ang transparency and accountability. Kaya nga lang ang kaakibat nitong mensahe ay aalamin ng gobyerno ang katotohanan at ika’y pananagutin sa anumang pamamaraan – kahit pa labag sa iyong karapatan.

Hindi ito problema sa mayorya. Tutal minorya lang ang mag-iisip na ang isang Benigno C. Aquino III ay may kapasidad na maging diktador at abusuhin ang kapangyarihan ng kanyang posisyon. At gaya ng argumento ng prosekusyon, kung ito ang interpretasyon ng nakararami, sino tayo upang tumutol?

Diyan tayo hindi magkakaunawaan utol. Dahil hindi komo suportado ng mayorya ang desisyon ay tama na ito. Hindi na kailangan lumayo pa sa nauna nating karanasan sa impeachment. Una kay President Estrada. Napakaraming pagkakamali ng Davide impeachment court – tulad ng hindi pagpigil sa walkout ng mga private prosecutors. At maging ang Supreme Court din ni Davide na nagbigay basbas sa Arroyo Administrasyon – gumawa pa ng baluktot na “constructive resignation doctrine” para lang pangatawanan ang kuwestyonableng pag-angat sa posisyon ni Gng. Arroyo. Bumenta naman sa publiko.

Pangalawa, ang impeachment ni Chief Justice Davide sa kanyang paghawak sa Judiciary Development Fund. Isa na namang popular decision ang ginawang baluktot na depensa ng Supreme Court. Ito’y nagresulta nang malaon sa isang industriyang pinamunuan ni Atty. Oliver Lozano na walang ginawa kung hindi maunang mag-file ng palsong impeachment com-plaint laban kay Gng. Arroyo dahil mahaharang nito ang anumang isusunod na tunay na reklamo laban sa kanya.

Ang dalawang ito ay halimbawa ng mga desisyong pinuwersa ng lakas ng pampublikong opinyon. Ginhawa nung una na napatuna-yang huwad sa huli. Maraming sa-ngandaang haharapin ang lipunan tungo sa nais paroonan. Madalas ay magmimistulang delikado ang isang sanga ng landas. Huwag ta-yong matakot na ito’y tahakin dahil, madalas, isa itong oportunidad na nagbabalatkayo.

Ayon kay Sen. Miriam, history will be the judge of what we have done today. Ano kaya ang magi-ging pamana ng ating mga pasya sa kasalukuyan?

ARROYO ADMINISTRASYON

BENIGNO C

CHIEF JUSTICE DAVIDE

CHIEF JUSTICE RENATO C

GNG

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

OLIVER LOZANO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with