MAGANDA ang kahulugan ng “uliran.” Katangian ng isang indibidwal na dapat tularan ng iba. This iconic word is ascribed only to people who positively role modeled to others in their vocations and fields of specialization.
Noon taong 2010, Mapalad akong nagawaran ng parangal na “Ulirang Ama” sa larangan ng mass media sa isang seremonya sa Century Park Hotel. Huwag sanang mapataas ang kilay ninyo sa aking sasabihin. Ang kasabay kong pinarangalan ay si Renato Corona na noo’y Chief Justice pa. At heto pa, ang naggawad ng parangal ay dilit iba kundi si dating energy secretary Angelo Reyes na nasangkot din kalaunan sa eskandalo na naging dahilan para kitlin niya ang sariling buhay.
Ang Ulirang Ama award ay taunang iginagawad sa ilang piling indibidwal ng National Mother’s Day and Father’s Day Foundation sa pangunguna ng pangulo nito na si Willie Talag. Si Angie Reyes ay awardee rin noong 2001 at naging honorary chairman, kaya yung mga plake at tropeong iginawad ay may pirma niya.
Ang ilan sa kilalang tao na nakasabayan naming tumanggap ng parangal ay sina Dean Amado Valdez ng UE College of Law, ang dating COMELEC director na si Ferdinand Rafanan, Justice Ed Nachura at iba pa na baka kulangin ang espasyong ito kung isusulat kong lahat.
It is sad that some people who have distinctions to pride of can suddenly swerve to infamy. Dapat talaga na ang bawat isa sa atin ay maging maingat sa ating mga ikinikilos at ginagawa. Lahat tayo ay namimiligrong makagawa ng palso na makasisira sa ating dangal.
Bago natin malaman ay wasak na ang ating pangalan na maaaring inalagaan natin sa mahabang panahon. Yung iba, hindi matanggap ito kaya winawakasan ang sariling buhay. Sabi nga, ang kayamanang higit pa sa salapi at ginto na dapat alagaan ay ang ating dangal dahil kapag nawala ay mahirap na itong maibalik.
Para daw itong mamahaling pabango na maaa-ring bumaho’t umalingasaw kapag nalagyan ng mga patay na langaw dahil sa isang kalokohang magagawa natin.
Ecclesiastes 10:1 says “Even as dead flies give foul odor to expensive perfumes, so also a little folly can ruin honor.”