'Suspetsa'
DESPERASYON ang itinuturong dahilan kung bakit ang ilan sa ating mga kababayan, nagagawang kumapit sa patalim, maiahon lamang ang sarili at pamilya sa kahirapan.
Kaya naman sa maliit na halaga, nabubulag ang marami sa pangakong magandang buhay o trabaho na alok sa ibang bansa.
Sa pagdagsa ng mga dayuhan sa Pilipinas, naging maingay rin ang isyu ng human trafficking. Ang masama, kababaihan at menor de edad ang karaniwang nahuhu-log sa patibong ng mga tao at sindikatong sangkot dito.
Kalimitang nauuwi sa forced labor na may kinalaman sa malalaswang gawain tulad ng prostitusyon at cybersex ang mga kababaihan at kabataang nabibiktima ng sindikato.
May mga pagkakataon ring nakararanas ng pagma-malupit sa pisikal, emosyonal at sikolohikal na aspeto ang mga biktima, dahilan para sila ma-traumatize na kung minsan ay umaabot pa sa tuluyang pagka-sira ng pag-iisip.
Ito ang dahilan kaya’t mahigpit na binabantayan ng Bureau of Immigration ang mga kababayan nating posibleng maging biktima ng human trafficking.
Mismong si acting Intelligence Chief Atty. Antonette Mangrobang ang nagsabi, mahigpit na binabantayan ng Bureau of Immigration ang mga kababaihan at menor de edad na lumalabas sa bansa dahil sa panganib ng Human Trafficiking.
Kamakailan lamang, lumapit sa tanggapan ng BITAG ang 19-anyos na si Janine Remillo para ireklamo ang pagkakaharang sa kanya ng mga Immigration Officer sa Ninoy Aquino International Airport. Blacklisted ang Koreanong boyfriend sa bansa kaya’t napagdesisyunan na lamang nilang magkita sa Hong Kong.
Subalit bago pa man makasakay ng eroplano si Janine, pinigilan na siya ng Immigration Officers at kinuha ang kanyang passport para i-verify at maimbestigahan.
Ayon kay Atty. Mangrobang, maaari nakita ng mga Immigration Officers na humawak ng report ni Janine ang mga katangian ng isang potensyal na biktima ng Human Trafficking sa pag-profile sa kanya.
Kaya naman kilos pron tong umaksiyon ang BITAG para imbestigahan ang nangyaring pagharang kay Janine ng mga opisyal ng Bureau of Immigration sa NAIA.
Panoorin ang buong detalye mamayang gabi sa BITAG sa TV 5 pagkatapos ng Pilipinas News.
- Latest
- Trending