Sa bibig nahuhuli ang isda

BUMALIK sa Senado noong Biyernes si Chief Justice Renato Corona kung saan ginawa niya ang pangalawang yugto ng kanyang drama. Walang nagawa kung hindi ibigay ang walang kondisyong waiver sa bank accounts pero inaming mahigit $2 milyon nga ang nakatago sa kasalukuyan. Sa peso naman, mahigit P80 milyon ang kan­yang kuwarta. Nang tatanungin na siya ng iba pang senador, ayun nagkasakit bigla uli, he-he-he. Limang senador lamang ho ang nakapagtanong.  

Pero sa inamin niya, huling-huli siya at iyan ay bakit hin­di niya dineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN). Sagot niya sa dolyar, hindi raw kailangan dahil ayon sa Foreign Currency Deposit Law confidential ito. Wow, tumaas ho ang dolyar nitong nakaraang mga araw, obvious ang mga corrupt at mga criminal namimili ng dolyar dahil Chief Justice na nagsasabing confidential ito. 

Peso account niya, kahalo raw kasi ang perang hindi kanya. Akala ko ba sabi niya ayaw niya pakialaman ang pera ng pamilya ng asawa niya, eh bakit nasa account niya. Sa dalawang pagkakataong ito, malinaw, saan ba nahuhuli ang isda? 

* * *

Nag-check ho ako sa Medical City kung saan tinakbo si Corona noong Martes. Emergency case daw pero bakit hindi dumaan sa emergency room at sa Presidential suite tumuloy. Uulitin ko ho, kesa tumuloy sa emergency room na laging ginagawa sa lahat ng ospital at emergency cases, deretso sa Presidential Suite. 

Kakaiba, parang pelikula, lahat may script at pang best movie ang buong mga drama. Sabagay, naiisip siguro nila, kung matanggal siya meron na siyang bagong trabaho.

Mag-aartista na lang siya at heavy drama pa tapos dagdagan pa na puwedeng ka­sama niya sa peliku-la si Madam Sen­yora Donya Gloria — block buster movie ito.   

* * *

Para sa anumang reaksyon o suhes-tiyon text e mail sa mailto:nixonkua@ymail.com

Show comments