^

PSN Opinyon

Tsino nagpapayo sa media: Hinahon

SAPOL - Jarius Bondoc -

TUMULONG sa pagpapahinahon ng tensiyon. ‘Yan ang pakiusap ni vice minister Wang Zhongwei ng China State Information Office sa news media ng Pilipinas, sa init ng iringan ng dalawang bansa ukol sa pag-aari sa Scarborough (Panatag) Shoal. “Nais namin na makiisa ang gobyerno at media ng Pilipinas sa Tsina sa paghanap ng mapayapang solusyon.”

Masarap sa tenga ang salita ni Wang. Animo’y pinahuhupa niya ang lebel ng sigawan ng Tsina at Pilipinas sa isyung Scarborough. Pero ito ang problema: hindi malaya ang media sa Tsina. Doon, kung ano ang nais ng gobyernong hawak ng Partido Komunista, ‘yun ang lalabas na balita at komentaryo. Isa sa pinaka-malaking dyaryo ang People’s Daily, at ang kapatid nitong Global Times sa wikang Ingles.

Eksaherado at baluktot ang balitang ipinapaabot ng Chinese media sa kanilang publiko. Pinalalabas nila na tinakot ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Tsino sa pitong lantsa na namasok sa karagatan ng Pilipinas at lumabag sa batas pandaigdig sa paglaspag ng mga pa-ting, kabibe at bahura. Pinalabas din na balak manggulo ng mga raliyistang Pilipino sa harap ng mga embahada ng China sa iba’t ibang bansa nu’ng Biyernes. Nagkansela tuloy ng tours pa-Maynila ang Chinese travel agents. At, sa tila panggigipit sa kalakal, biglang naghigpit ang China sa pag-import ng banana chips mula sa Pilipinas.

Hindi rin tumupad ang China sa usapang lisanin ng mga barko ng magkabilang panig ang Scarborough. Bagama’t may isang natitirang barko doon ang Philippine Coast Guard, 32 gunboats ang itinatapat ng China mula sa limang ahensiyang sibilyan. Pumapapel ang lima sa pamunuan ng Beijing para umentuhan ang budgets nila. Armado ang mga barkong ‘yun, miski hiwalay sila sa People’s Liberation Army-Navy.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ARMADO

CHINA STATE INFORMATION OFFICE

GLOBAL TIMES

LIBERATION ARMY-NAVY

PARTIDO KOMUNISTA

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

PILIPINAS

TSINA

WANG ZHONGWEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with