SABI ng kampo ni Chief Justice Renato Corona na handa raw siyang humarap sa impeachment court basta lang ipatawag din ang ilang personalidad gaya ni Ombudsman Conchita Carpio Morales at dating Kongresista Rizza Hontiveros Baraquel.
Kung hindi raw maglalabas ng subpoena ang impeachment court para humarap ang Ombudsman at ilan pang personalidad ay hindi rin daw nakatitiyak na haharap si Corona na dating Chief of Staff ni Madam Senyora Donya Gloria.
Only in the Philippines ika nga nang marami na ang nasasakdal pa ang nananakot sa korte. Ilalabas ang subpoena kaya sana patunayan ni Corona na spokesperson din ni Madam Gloria na paninindigan niya ang binitawang salita ng mga abogado niya.
Dapat din pumirma siya ng waiver o bigyan niya ng instruction ang mga banko na buksan ang kanyang mga account pati na ang dollar at iba pang foreign currency upang malinawan ang sambayanan.
Hindi dapat sa isang pinuno ng Korte Suprema na may bahid ng pagdududa at alam ito ni Corona at mga abogado niyang magagaling pero puro palusot.
* * *
Si Manila Mayor Alfredo Lim ay dapat ding harapin ang mamamayan ng Maynila at sagutin ang mga tanong kung ano ang nangyari sa kapitolyo ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamumuno sa darating na eleksiyon.
Ilan sa mga katanungan ay saan napunta ang napaka- laking budget ng Maynila na umaabot sa ilang bilyong piso kada taon pero bakit walang nakikitang pagbabago maliban sa mga ilaw na ayon sa ilang taong nakausap ko ay overpriced. Dumami rin ang informal settlers sa lungsod.
Dito siya huhusgahan ng Manilenyo pagdating ng araw ng paghaharap nila ni da-ting President Joseph “Erap” Estrada na napaganda nang husto ang San Juan.
* * *
Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text e-mail sa nixonkua@ymail.com