^

PSN Opinyon

Nasaan na ang mga CCTV?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome lang at mga alipores niya ang naniniwala na bumababa ang krimen sa bansa. Sa statistics ng PNP, bumaba ng ilang porsiyento ang crime rate nitong unang quarter ng taon kumpara sa nakaraang taon. Kung sabagay, me katwiran si Bartolome at mga alipores niya na magyabang dahil yan naman talaga ang hawak nilang statistics. Subalit tanungin n’yo ang mga tao mga suki at iba ang pananaw nila. Kaya bumaba ang crime rate ng bansa ay dahil wala nang tiwala ang sambayanan sa mga pulis. Batid naman kasi ng sambayanan na talamak na ang krimen lalo na ang holdap at snatching sa lansangan subalit ayaw na magreklamo ng mga biktima. Bakit? Kasi nga, kapag nagreklamo sila, lalong magagastusan lang ang biktima dahil hihingan sila ng pambili ng papel o gasolina.

Maging ang mga pulis na nakausap ko sa MPD ay umamin na ganito ang tunay na sitwasyon sa ngayon at mukhang sina Bartolome ang hindi nakaabot sa ganitong masakit na katotohanan. Paano magtitiwala ang sambayanan sa pulis kung iba ang kanilang ginagawa? Tulad sa ngayon, kaliwa’t kanan ang raid na ginagawa ng Intelligence Group (IG) ng PNP sa mga pasugalan at iba pang illegal. Siyempre, sa biglang tingin, magandang accomplishment ito sa liderato ni Bartolome dahil marami ang kanilang nakasuhan. Ang siste lang, binabalikan ng taga-IG ang mga puwesto na na-raid nila at presto, kumikinang na pitsa ang pumapasok sa bulsa ni IG director Chief Supt. Charles Calima.

Hindi ba ang mandate ng IG ay ang humabol ng bigtime criminal at mga terorista, Gen. Bartolome at Calima Sirs? Eh sugal lupa lang pala ang kaya nila. Ngayon ang tanong, Gen. Bartolome, nakakatulong ba ang ganitong sistema ng IG para maiangat ang imahe ng mga pulis?

May basbas daw ni Deputy Director Gen. Emil Sarmiento, na itinalaga ni Bartolome na hepe ng anti-illegal gambling ng PNP ang pananalasa ng IG sa sugal lupa. Ganun ba?

Ngayong palapit na ang 2013 local elections, tiyak tataas na naman ang crime rate ng bansa dahil mara­ming pulitiko ang gagamit ng kanilang alipores para makakalap ng pondo para sa darating na Mayo.

Dapat atasan ni Bartolome ang IG na manguna sa paglansag ng mga organized crime groups o private armies ng mga pulitiko at hindi yaong sugal lupa ang inuuna nila. Masasawata ang krimen kung ibabalik ng PNP ang pagpakalat ng CCTV camera sa lansangan lalo na sa lugar na madalas pinangyayarihan ng krimen. Teka, nasaan na nga ba ang mga CCTV na ikinalat ni dating NCRPO chief Dir. Boysie Rosales sa mga lansangan?

Ang mobile cars ay may global positioning system (GPS). Saan na ang mga ito? Sa pagkaalam ko, gumastos si Rosales ng P80 milyon para ikabit ang CCTV at GPS at mukhang nasayang lang. Abangan!

BARTOLOME

BOYSIE ROSALES

CALIMA SIRS

CHARLES CALIMA

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GEN

EMIL SARMIENTO

INTELLIGENCE GROUP

NICANOR BARTOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with