^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Uulit ang NoKor at delikado na

-

NAILUNSAD ng North Korea ang pagpapa- kawala ng rocket noong Biyernes Trese pero hindi nagtagumpay. Nagmistulang kuwitis na supot ang putok. Bumagsak ang tatal o debris nito sa Yellow Sea sa hangganan ng China. Wala namang naiulat na nabagsakan o kaya’y nilikhang masama sa dagat. Ang paglulunsad ng rocket ay itinaon ng NoKor sa ika-100 kaarawan ng kanilang lider na si Kim Il Sung.

Isang linggong nangamba ang mga bansang nakapaligid sa Nokor. Unang nangamba ang Japan at agad nagsabing iintercept nila ang rocket kapag bumagsak sa kanilang teritoryo. Nangamba rin ang Pilipinas at walang ibang magawa kundi ang pagbawalang pumalaot ang mga mangingisda at baka bagsakan ng tatal ng rocket na paliliparin. Maraming umalma sa utos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Paano ang kanilang pagha-hanapbuhay? Ano raw ang kanilang kakainin?

Pero mahigpit ang NDRRMC at hindi hinaya-   ang makapalaot ang mga mangingisda. Nag-isyu ng red alert sa mga karagatang posibleng bagsa-kan ng tatal ng rocket.

Kaya nang pumutok ang balita noong Biyernes na pumalpak ang rocket at bumagsak sa ibang karagatan, marami ang natuwa. Nagsipunta agad sa laot ang mga mangingisda at naghanapbuhay.

Sa pagkakapalpak ng rocket launched, maaa-ring susubok muli ang sutil na NoKor. Habang nanggigigil ang mga katabing bansa, ipagpapatuloy pa ng NoKor ang kabaliwan sa rocket. Kaya hindi dapat magwalambahala ang mga katabing bansa. Uulit pang tiyak ang NoKor at baka sa pagkakataong ito ay mayroon nang madamay at mapinsala.

Tama lang ang ginawang paghihigpit ng NDRRMC. Isang mabisang paraan para mailigtas ang mamamayan sa paghihigpit at paghahanda.

ANO

BIYERNES

BIYERNES TRESE

ISANG

KAYA

KIM IL SUNG

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

ROCKET

YELLOW SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with