Insurance companies na puro palusot at justices na kaalyado nila

DIREKTA kong babanggitin ngayon ang ilang insurance companies na magaling sa palusot at balasubas sa pagtupad ng obligasyon at mga justices na kakampi nila. 

Ang mga insurance companies na ito ay ang Mapfre Insurance Corp., New India Assurance Company, Philippine Chapter Insurance Corporation at Asian Insurance Philippines Corporation. 

Ang mga justices naman na kakampi nila sa dahilang obvious na obvious naman ay sina Justices Fernanda Lampas Peralta (Chairperson ng dating 14th division ng Court of Appeal), Justices Priscilla Baltazar-Padilla at Agnes Reyes Carpio. 

Ang grupong ito, ayaw magbayad sa isang kompanyang nagngangalang Steel Corporation of the Philippines na nasunugan noong Decemer 2009. 

Nagkaroon ng imbestigasyon ang bumbero at ilan pang mga sangay ng gobyerno at malinaw na aksidente ang sunog. Walang arson ika nga pero ayaw magbayad ng insurance companies kaya nauwi pa sa demandahan. 

Dahilan ng mga balasubas na ito ay mababangkarote raw sila kung babayaran ang utang nila. Kung ganoon, bakit nila tinanggap ang insurance premium? Paano kung lahat ng insurance company ay ganito ang katuwiran paano ang obligasyon na pinirmahan nila? 

Masakit nito, ang Regional Trial Court ng Balayan, Batangas, nagdesisyon na dapat magbayad ang insu-rance companies pero ang tatlong justices sa Court of Appeals ay binaliktad ang desisyon. Marahil naawa sa insurance companies, paano naman ang kompanya na naniningil ng insurance, ang mga tauhan nila at iba pang umaasa sa kanila? 

Simpleng tanong, bakit ka pa paseseguro kung tatakbuhan ka rin ng mga insurance firms at kasundo pa ang mga justices?

* * *

Para sa anumang reaksyon o suhestiyon text e-mail sa nixonkua@ymail.com.

Show comments