^

PSN Opinyon

Bitay

- Al G. Pedroche -

ANG parusang bitay sa mga buktot na krimen ay naging bahagi na ng ating judicial system sa loob nang maraming taon hanggang sa maging Presidente si Corazon Aquino at ang parusang ito’y pinawalang-bisa.

Ngunit dahil sa pagtaas sa bilang ng tinatawag na heinous crimes, muli itong ibinalik sa panahon ni Presidente Fidel Ramos. Sa pagkatanda ko, dalawa lang ang napatawan ng bitay at isa na rito ang sinasabing nanggahasa ng sariling anak na si Leo Echegarray.

Subalit napakalakas ng clamor ng sector ng simbahan at human rights group para ibasurang muli ang capital pu-nishment na ito kaya di nagtagal at nawalan muli ito ng bisa.

Close open ang nangyari.

Sa ngayon, grabe na ang mga nangyayaring krimen kahit sa kainitan ng araw. Mga buktot na krimen tulad ng panghahalay na may kasamang pagpatay na ang mga biktima ay mga paslit na batang babae.

Naririyan din ang walang humpay na pagpatay ng mga tinatawag na riding in tandem na halos nagaganap araw-araw nang walang patlang.

Sinasabing walang kaugnayan ang kawalan ng bitay sa pagtaas ng ganitong klase ng krimen. Totoo kaya? Marami ang naniniwala na isang deterrent ang parusang bitay para mabawasan ang mga brutal na pamamaslang.

Pero kahit pa mag-rally ang buong bayan para ibalik ang bitay, tila malabo nang mangyari ito. Ang pagbabalik ng bitay ay mangangailangan muli ng lehislasyon ng mga mambabatas.

Ngunit napakalakas ng sector na nagla-lobby para sagkaan ang parusang bitay”: Ang Simbahang Katoliko. Mangingilag marahil ang mga mambabatas sa proposal na ibalik ang bitay dahil baka mawalan sila ng boto.

Ngunit talagang sobra na ang mga nagaganap na buktot na krimen. Marami na ang natatakot lumabas ng bahay dahil baka mabiktima   sila ng mga holdaper na kahit ibinigay mo na ang lahat ay papatayin ka pa.

Sana naman, kung di na maibabalik ang pa­ rusang ito ay maging episyente ang ating mga law enforcers para mahadlangan ang ganitong kaliwa at kanang pagpatay.

ANG SIMBAHANG KATOLIKO

BITAY

CORAZON AQUINO

LEO ECHEGARRAY

MANGINGILAG

MARAMI

NARIRIYAN

NGUNIT

PRESIDENTE FIDEL RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with