^

PSN Opinyon

Moro-more Power crisis?

- Al G. Pedroche -

POSIBLE raw ikonsidera ng Palasyo ang pagbibigay ng emergency power kay President P-Noy para resolbahin ang power crisis sa Mindanao. Ito’y tulad nang isinusulong ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan.

May ilang Senador na naghihinalang “moro-moro” lang ang nangyayaring kakulangan sa elektrisidad sa Min­danao. Maaari daw kagagawan ito ng ilang negosyante sa energy sector na nagkukutsaba upang lumitaw na may power crisis sa Mindanao.

Nagbabala si Senator Chiz Escudero sa mga negos­yante na sila’y kakastiguhin kapag may nagaganap na ganitong sabwatan. Kaugnay nito, nagpupulong ang joint congressional power commission (JCPC) para mapa­tunayan kung talagang may kutsabahan ang mga negosyante sa larangan ng enerhiya.

Dagdag ng Senador, kahit naka-recess ang Kongreso ay pursigidong bubusisiin ng magkasanib na komite ang ganyang alegasyon.”Humanda sila sa amin kung saka-sakaling may basehan nga at totoong nagkukutsabahan lang sila para magkaroon ng shortage.

Seryosong usapin ito kaya dapat managot ang mga taong dapat managot. Ngunit ano namang parusa ang ipapataw sa mga ito?

Hindi man ako abogado, malamang ito’y puwedeng economic sabotage.

Sa panahong nagtataasan ang presyo ng lahat ng bilihin, tila lalung pinahihirapan ang taumbayan sa ganyang lisyang sistema kung totoo man. Pero sa kabila ng pagtutol ng ilang mambabatas sa panukalang emergency power, ini-endorso naman ito ni Escudero.

Pero sa halip na emergency, mas gusto niya ang stand by power. Tulad ng na­sabi ko sa nakaraang kolum, pangit ang insinuation ng emergency power­ dahil mukhang nagiging diktador ang Presidente ng bansa.

Kaso, kung may mga ire­gularidad gaya ng pagsa­sabwatan ng mga negos­yante para lumikha ng krisis­, talagang kamay na bakal ang dapat gamitin ng Pa­ngulo lalo pa’t taumbayan ang apektado.

DAGDAG

HUMANDA

KASO

MABABANG KAPULUNGAN

MINDANAO

PERO

SENADOR

SENATOR CHIZ ESCUDERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with