^

PSN Opinyon

'It's more fun in the Philppines'

- Tony Calvento -

(Huling bahagi)

MASAYA sana ang bakasyon nila Evangeline at Mustafa gaya ng sinasabi ng ating gobyerno “IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES” pero bangungot ang nangyari at pati mga kasama nilang Hapon na gustong mag-invest, mabilis na sumibat baka makulong din sila.

Nung Lunes, itinampok namin ang nangyari sa balikbayan na si Evangeline Yabut-Colak matapos hindi makapasok ng bansa ang kanyang asawang si Mustafa Colak, isang Turkish National.

Kinuha ni Evangeline ang pangalan ng mga naka-duty ng ga­bing iyon. Ang sagot daw sa kanya ay “Sure! Bakit may magagawa ka ba?” sabay ngiting aso at ibinigay ang mga pangalan nila sa isang papel.

 Kabilang sa listahang pinakita sa amin ni Evangeline, ang pangalan nila Mariano, Lucero A., Butuin C. Atty. Dela Cruz. Pascua, Mateo Ro, Rasuman, Laderas, Robin Er, Nasar, Beltran, Lacsamana, Pacia F. , Ayearilo, Sabandal, Gomez R., Diragun at Binalay.

Bumalik ng Japan si Mustafa. Tinuloy naman ni Evangeline ang pag-uwi sa Pilipinas. Nagsadya siya sa aming tanggapan para malaman ang legal na hakbang na maari niyang gawin.

“Naka-ilang balik na kami sa Pilipinas ng asawa ko hindi naman kami hiningian ng visa tapos ngayon lang nila kami sisitahin?” giit ni Evangeline.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882 KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon) ang istorya ni Evangeline.

Tinawagan namin si Usec. Rafael Seguis, Undersecretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang iparating sa kanya ang problema ni Evangeline.    

Umalis si Evangeline at umuwi sa Japan. Buwan ng Pebrero 2012 nagbakasyon siyang muli sa Pilipinas. Nagsadya siya sa aming tanggapan. Nakausap niya ang aming ‘senior staff’ at muli naming tinawagan si Usec. Seguis. Agad niyang kinontak si Asec. Jaime Ledda.  

Sinabi nilang pasulatin si Evangeline ng kanyang naging problema at agad itong i-fax sa kanilang tanggapan.

Tinulungan namin si Evangeline na gawin ang kanyang salaysay. Matapos nito finax namin agad kina Usec Seguis. at Asec. Ledda.

Inassign ni Asec. Ledda ang kanyang Executive Director na si Wilfredo Santos, para alamin kung bakit ganun ang impormayson na binigay sa kanila ng ating embahada sa Japan.

Nangako sila na makikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) sa tanggapan ni Comm. Ricardo David para makakuha ng ‘incident report’ ng pangyayari at tignan kung paano matutulungan si Evangeline at ang kanyang asawa.

Kinabukasan, tumawag kami sa tanggapan ni Comm. David at nakausap namin si Ilo Zamora.

Sinabi niyang ang maaring mga dahilan kung bakit pinabalik si Mustafa ay wala itong ‘return ticket’. Pinabulaanan naman ito ni Evangeline dahil sabay daw silang kumuha at pareho silang may return ticket. Pangalawa, maaring wala siyang ‘visa’ dahil kahit na siya’y kasal sa isang Pilipina, kailangan may balikbayan visa siya na kinuha mula sa Philippine Embassy sa Japan. 

Minungkahi din ni Zamora na subukan din naman ni Evangeline na pumunta sa Embassy at kumuha ng visa para makabalik sila ni Mustafa sa Pilipinas na Properly Documented.

Iba naman ang opinyon ni Asec. Ledda, ang pinagbabasehan niya ang inisyung Order of Exclusion na pinirmahan ng Immigration Officer, sina Ms. Jamiuddin at ni Mr. Pedrealba, Duty Supervisor ng BID na naka-‘assign’ sa airport.

“Hindi basta pwedeng tanggalin yang Order of Exclusion. Hindi rin makukuha ito sa mabilisan at sa pamamagitan ng telepono. Kailangan kaming gumawa ng representations para kay Evangeline at Mustafa. Hilingin kay Comm. David na tanggalin ang Order of Exclusion para makabisita ang mag-asawa dito sa Pilipinas. Asahan niyo na sisimulan na namin ang paperwork at communications sa pagitan ng DFA at BID. Ibabalita namin sa inyo sa lalong madaling panahon kung ano ang mga development, ” sabi ni Asec. Ledda.

Ayon na man kay Usec. Seguis, nag-‘email’ na siya sa Consul General natin sa Japan at hinihiling niyang magpadala ng ‘report’ kung bakit ganun ang nangyari sa kaso ni Evangeline at Mustafa. Hinihintay na lang namin ang sagot ng Second Secretary and Consul ng Tokyo Japan. Si Consul Bryan Dexter Lao.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, malinaw na nagkainitan pagdating sa immigration sa airport. Nagtataka ang mag-asawa dahil ilang beses na silang nakabalik sa Pilipinas na ganun ang sistema ng kanilang ginagawa. Napahiya nang sitahin dahil may mga kasamang Hapon na gustong mag- ‘invest’ sa Pilipinas,

Nagkataasan ng boses dahil nabigla itong si Evangeline nang makita niyang nakikipaghatakan na ang kanyang asawa sa mga tauhan ng BID. Umalagwa na ang sitwasyon. 

Hindi sana magiging ganito ang resulta kung natuto lamang magbigayan ang isa’t isa at dinaan sa mahinahon na pakikipag-usap.

Ang mga BID officials sa airport ay ginagawa lang ang kanilang tungkulin. Nakita nila ang kakulangan sa dokumento kaya ganito ang kanilang inasta.

Sa kabilang banda, maari din naman na pinili nila na lubusang tumulong sa ating kababayan. Ipaliwanag kung anong dapat gawin at hindi yung basta na lang ikulong itong si Mustafa sa isang kwarto at pabalikin sa Japan. Para bang sinasabi, “KAMI ANG BOSS DITO!”.

Sa iringan na naganap sa magkabilang panig, ito’y isa lamang testamento ng pagpapatunay na hindi ang lahat ng bagay pwedeng daanin sa brasuhan para naman ganap nating masasabi na toong, “IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES”. 

Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

ASEC

EVANGELINE

LEDDA

MUSTAFA

NAMIN

ORDER OF EXCLUSION

PARA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with