^

PSN Opinyon

Mabuhay ka Tagum City Mayor Uy!

DURIAN SHAKE -

SANA tularan ng ibang local government officials si Mayor Rey Uy ng Tagum City, Davao del Norte sa kanyang pamamahala hindi lamang ng kanyang siyudad, maging sa kanyang pinanindigang sumpa na tutulong siya sa mga mag-aaral sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Patapos na nga ang school year 2011-2012 at may pahabol pang 1,078 pieces of armchairs, desks and kiddie chairs na pinamimigay sina Mayor Uy sa mga paaralang Carmen at New Corella sa Davao del Norte at maging sa Mawab, Compostela Valley province.

At dahil sa mga bagong deliveries, umabot na sa 32,040 pieces ang total ng mga school at office at maging hospital furniture na na-distribute nina Mayor Uy simula August 2011 hanggang March 23, 2012, o sa loob ng pitong buwan.

Ang mga school furniture ay gawa sa mga nakumpiskang illegal logs na dumaan sa proseso sa motorpool at carpentry sections ng Tagum City bago ito pinapamahagi sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon.

 Kaya nga katangi-tangi ang ginawa ni Mayor Uy na siya mismo ay tumutulong din sa paggawa ng mga nasabing school furniture.

Maraming mag-aaral ang nakinabang sa proyektong ito ni Mayor Uy. Malaking tulong ito lalo na at mabagal masyado ang ating national government na aksyunan ang pangangailangan sa mga upuan at maging classrooms ng ating mga mag-aaral.

Mabuhay ka Mayor Uy!

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO

KAYA

MABUHAY

MALAKING

MARAMING

MAYOR UY

NEW CORELLA

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with