^

PSN Opinyon

Pasig police, dalhin sa kangkungan

Panaginip Lang -

HINDI pa nabubura sa isipan ang shabu tiangge sa Pasig ay heto na naman at maririnig na ang mga pulis sa Pasig ay sangkot na naman sa droga at sa tangkang pagpatay kay Fernan Angeles ng Daily Tribune. 

Hindi pa nakuntento ang mga lokong protector ng mga drug lord ay nag-imbento pa ng pekeng warrant upang patahimikin si Angeles. 

Isang problema na nakita ko ay ang malinaw na hindi pagsibak sa buong puwersa ng mga pulis kung saan nandoon ang shabu tiangge. 

Kulang ang pagbalasa ng presinto lamang, dapat diyan tinanggal lahat ng pulis sa Pasig at dinala muna for retraining sa headquarters at pagkatapos ay ipadala sa ibang bahagi ng Pilipinas. Sinabi kong Pilipinas dahil hindi rin dapat sa Metro Manila dahil lilipat lamang ang kanilang mga protektadong pusher kung nasaan sila. 

Bagama’t naniniwala akong hindi lahat, ang simpleng katotohanang ang pagsasawalang kibo ng mga pulis na kahit hindi patong ay patunay na kasabwat din sila. 

Dapat, buong puwersa ng pulis sa Pasig, mula sa hepe hanggang sa pinakamababa ay bunutin sa siyudad na iyan, isailalim sa drug test at itapon ang mga opis­yal sa Tawi Tawi, Sulu at iba pang lugar na maraming rebelde. Para masampolan sila at maburang tuluyan sa lipunan. 

Pag nagawa iyan ng Philippine National Police ay magsisilbing aral at panakot sa lahat ng ibang mga corrupt. Ang mga matitino naman, hindi na madadamay dahil kasalanan ng iilang bugok at halang ang kaluluwa. 

Tanong ko, kaya kayang gawin ito ni DILG Secretary Jesse Robredo o ng PNP chief dahil balita namin ilan sa mga pulis na ito ay may backer sa local na pamahalaan. 

* * *

Para sa anumang re­aksyon o suhestiyon text e mail sa [email protected]

DAILY TRIBUNE

FERNAN ANGELES

METRO MANILA

PASIG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

SECRETARY JESSE ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with