^

PSN Opinyon

Sayang na oportunidad

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ALAM natin na hindi pinapaalam ng PCSO ang mga nananalo ng mga jackpot sa lotto. May dahilan kung bakit, na alam naman nating lahat. Kaya nang mabasa ko ang kuwento ng isang lotto jackpot winner, nasabi ko na totoo palang may nananalo ng lotto. Alam n’yo naman yung mga kuwento na umiikot paminsan-minsan. Kesyo wala naman talagang nananalo, kesyo dinuduktor yung mga numero, lahat na. Pero yung nangyari kay Dionie Reyes, isang nanalo ng labing-apat na milyong pisong jackpot sa lotto noong 2008, ay patunay na hindi balong malalim ang pera, kahit galing pa sa lotto!

Nang manalo siya ng jackpot, inisip na hindi niya kayang maubos ang ganung klaseng salapi. Lalo na yung hindi naman talaga pinaghirapan. Kaya naging waldas, naging galante na wala na sa lugar, at nalulong sa bisyong mayaman. Sa loob lamang ng ilang taon, naubos yung napanalunan, at nagkautang-utang pa. Sa programa ko sa radyo, tinalakay namin yung mga paraan para mapalago ang pera, at hindi mabaon sa utang. Dapat nakinig na lang si Dionie sa talakayang iyon!

Pero ganun kasi ang nangyayari kapag tumama na sa lotto. Ang sabi nga, ang unang nawawala ay ang pag-iisip. May dahilan kung bakit hindi pinapaalam ng PCSO kung sino ang mga nananalo. Kaya siguro dapat sinusundan mo na rin ang payo nila. Maging tahimik lang, huwag maging galante! Kung may mga utang, bayaran na kaagad lahat. At ipasok ang pera sa isang produkto na magbibigay ng ligtas at magandang interes para sa pera mo. Huwag magbuhay mayaman, dahil hindi ganun kalaki ang labing-apat na mil-yong piso kung bili ka naman nang bili ng pag-aari! At higit sa lahat, huwag mahuhulog sa bisyo, partikular yung alam nating ABS – alak, babae, sugal. Dito nasimot ang pera ni Dionie. Ngayon, halos wala na raw natira, may utang pa siya, at may sakit pa. Mga sitwasyon na mag-aanod talaga ng kayamanan mo. Sayang at hindi napalago pa ang kanyang napanalunan. Maaaring dumoble pa iyon kung tama lang yung kanyang ginawa. Hindi masama ang mangarap. Katulad ni Dionie, nabigay sa kanya ang pangarap. Pero responsibilidad niya kung ano ang gagawin sa pangarap na iyon. Sa kaso niya, sinayang lang. Kung may magandang nagawa ang kanyang sinapit, iyan ang ipakita na nauubos talaga ang pera, kahit gaano pa karami. Maganda naman at naikwento pa niya ang mga nangyari sa kanya. Kung para na lang makatulong at magbigay ng aral, nagawa niya iyon.

ALAM

DAPAT

DIONIE

DIONIE REYES

KAYA

KUNG

PERO

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with