Mga pahayag ni CJ nagko-kontrahan
HUWAG sana laiting “defense by publicity” ng prosecution ang media blitz ni impeached Chief Justice Renato Corona. Dapat matuwa pa nga sila. Kasi maraming salu-salungat na pahayag si Corona -- na magagamit nila sa impeachment trial sa Senado at sa radio-TV outlets kung saan siya na-interview.
Pinaka-malaking kontradiksiyon ang paliwanag ni Corona tungkol sa P37.7-milyon deposito sa tatlong accounts sa PSBank. Nawalan umano siya ng tiwala sa PSBank, kaya winidraw niya ang pera nu’ng Dec. 12, 2011, araw na in-impeach siya. Kasi, bulong daw ng mga kapitbahay, ikinakalat ng PSBank branch manager sa Katipunan-QC, na malapit sa bahay niya, ang detalyes ng kanyang deposits.
Pero para sa isang nagsususpetsa sa kanyang bangkero, kakaiba ang naging kilos ni Corona. Matapos niyang i-withdraw ang P37.7 milyon, idineposito niya ito nu’n ding araw na ‘yon sa isang bagong account -- du’n din sa PSBank. Saad ito sa transcripts (pahina 42-43) ng testimonya ni PSBank president Pascual Garcia sa Senate court nu’ng Feb. 20.
Isa pang dapat ikagalak ng prosecution sa pagme-media blitz ni Corona ay ang napipintong pag-testify niya mismo sa Senado. Kasi, alam naman siguro niya na magmumukha siyang balik-harap kung, bilang pinaka-mataas na mahistrado ng bansa, sa media lang siya magpapakita pero hindi sa korte. Di ba’t ang testimonya niya ang inaabangan nila, para maigisa nila siya sa cross-examination?
‘Yun nga lang may salungat din du’n. Ani Corona gustong-gusto niya mag-testify. Kaya lang, ayaw ng kanyang lead defense counsel Serafin Cuevas, na dapat niyang sunurin. Wha?!?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending