MARAMING tao ang may bad breath. Minsan nahihiya tayong magsabi sa ating kamag-anak o kaibigan na may bad breath sila. Alamin natin ang solusyon dito.
Huwag kumain ng maraming bawang, sibuyas at sili. Nananatili ang amoy ng mga ito (galing sa essential oils) sa loob ng bibig ng 24 oras. Kahit anong sipilyo mo ay nandoon pa rin ang amoy. Subukang sumipsip ng calamansi para mabawasan ang amoy.
Huwag manigarilyo. Mabaho ang hininga nila at parang nakaamoy ka ng isang ashtray. Ihinto ito.
Umiwas sa spiced meats tulad ng pepperoni, salami at longganisa. Mayroon kasing maamoy na mantika na lalabas sa iyong pagdighay at hininga ng 24 oras.
Umiwas sa mabaho o malansang isda. May mga isda tulad ng bagoong, alamang o bangus na matagal maalis ang amoy sa ating hininga. Pumili na lang ng ibang isda.
Tubig lang ang dapat inumin. Ang kape, beer, alak at whisky ay nasa listahan ng maamoy na inumin. Nag-iiwan ang mga ito ng residue (parang latak) sa ating bibig at sikmura.
Magmumog ng madalas. Kung wala pang pagkakataong magsipilyo, magmumog nang maraming beses pagkatapos kumain. Mababawasan din ang dumi sa iyong bibig.
Magbaon ng sipilyo. Pagkatapos kumain, magbrush ng ngipin para matanggal agad ang amoy. Magsipilyo ng 3 beses sa maghapon o bawat kain.
Gumamit ng tongue cleaner. Ito’y isang plastic na panlinis ng dila. Maraming bacteria at dumi ang maaalis sa paggamit ng tongue cleaner. Mas epektibo ang tongue cleaner kaysa sa pag-brush ng dila na gamit ang sipilyo. Gamitin ito 3 beses sa maghapon.
Gumamit ng dental floss. Maraming dumi at tinga (plaque) ang sumisingit sa ating ngipin. Kapag hindi ito naaalis ay manganga-moy bulok ito. Napakabaho po nito. Mag-floss kahit isang beses sa gabi.
10. Gumamit ng mouthwash. Kung may bad breath ka, may tulong din ang paggamit ng mouthwash. Maganda itong gamitin bago matulog.
11. Magpatingin sa dentista. Ang bad breath ay kadalasan nanggaga-ling sa nakatagong impeksyon sa bibig at gilagid. Minsan may sira pala ang iyong ngipin.
12. Kapag hindi pa rin mawala ang bad breath, kumonsulta sa isang doktor na espesyalista sa tiyan (gastroenterologist) o Ear Nose Throat (ENT doctor). Minsan nanggagaling ang bad breath sa loob ng ating lalamunan o tiyan.
Huling tip: Kung ika’y nagmamadali, puwede rin naman ang mga chewing gum na mint flavor. Ngunit panandalian lang ito at tinatakpan lang ang amoy. Iwaksi ang bad breath, nakakahiya ito!