^

PSN Opinyon

Maling rason para itigil ang paglilitis

SAPOL - Jarius Bondoc -

MERONG mga nagsasabi na dapat daw itigil na ang pag­lilitis ni impeached Chief Justice Renato Corona. Iatras na lang daw agad ang walong habla, para maharap na ng mga pinunong bayan ang ekonomiya.

Baluktot na katuwiran ‘yon. Ang ibig sabihin ay huwag nang pansinin ang maaring katiwalian at pang-aabuso alang-alang sa ekonomiya. Animo’y walang masamang epekto ang korapsiyon sa kabuhayan. Nakakalimutan na ang mga mangangalakal ay naaasiwa, ang pera ng bayan para sa infrastructures o pakain o kalusugan ay nalulustay, at ang mamamayan ay nangingibang-bansa — dahil sa patuloy na kinukulimbat.

Sa kabilang dako, sumisigla ang ekonomiya kapag nilalabanan ang katiwalian. Dumadagsa ang puhunan, lumalakas ang tiwala ng bayan, lumalaki ang koleksiyon ng buwis, sumasagana ang mamamayan, at nagkakatrabaho ang marami kapag ginagasta imbis na kinukupit ang pera ng bayan.

Pero pabilisin na sana ang paglilitis ni Corona. Ma­raming paraan para magawa ito. Isa ang panukala ng prosecution na tatlo o apat na lang ng walong articles of impeachment ang ilahad. Kasi aminado silang mahina ang ibang sakdal. Ikalawa ang pag-resign ni Corona, upang makatipid na rin sa gastusin sa paglilitis. Kasi hindi naman niya pag-aari ang posisyon sa gobyerno, kundi pribilehiyo na maging ikalimang pinaka-mataas na pinuno ng Pilipinas.

Samantala, ang mga walang kinalaman sa impeach- ment trial, pambansa man o panlokal, ay dapat ituon ang pansin sa pagpapalago ng agrikultura, kalakal, at industriya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BALUKTOT

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DUMADAGSA

IATRAS

IKALAWA

ISA

KASI

MAKINIG

NAKAKALIMUTAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with