^

PSN Opinyon

Freedom of Information Bill

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

GUSTO ni P. Noy na itulak sa madlang people ng Philippines my Philippines ang malinis at matinong gobierno para labanan ang kurapsyon kaya naman sa ibinigay nilang bersyon ng Freedom of Information Bill mukhang dehins na makakaporma ang mga kamoteng ‘corrupt’ official sa government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Itinutulak ni P. Noy na magkaroon ng mas malawak pa sa ‘Hacienda Luisita’ na karapatan ang madlang people na makakuha ng mga information regarding sa mga kawatan este mali transaksyon pala sa gobierno kaya naman isinumite sa House of Representatives ang version nilang  FOI Bill for approval.

Ibig ni P. Noy na magkaroon ng automatic at hindi single fire sa paglabas ng mga statements of assets, liabilities and net worth o SALN ng matataas na mga opisyal sa gobierno nito.

Ang gusto ng malakanin este Malacañang pala na obligahin ang panggulo este mali Pangulo pala, VP, mga tokador este Cabinet pala, Senators, Congressmen at Supreme Court at iba pang top brass officials sa mga departamento ng ahasan este ahensiya pala ng gobierno na ilagay sa kani-kanilang websites ang mga SALN nila siempre pati mga member ng constitutional commissions, constitutional offices, mga opisyal ng Armed Forces, PNP, na may ranggong heneral o flag rank ang hindi lang isinama dito ay ang mga Boy Scout, Cub Scout at Girl Scout. Hehehe!

Paano kung dayain ng mga kamote ito?

Sana kung laging may investigation?

Iyon nga, Customs clerk na namaril may porche na tsikot dehins naman deklarado sa SALN niya ito.

Paano ang mga ganitong klaseng taga- gobierno

Ang importanteng version ng Malacanang regarding FOI ang mandatory na paglalabas sa website ng mga dokumento na merong kinalaman sa pangga-gago este mali paggugol pala ng mga public funding.

Ika nga, para malaman ng madlang people.

Siguradong mapapalakas nito ang karapatan ng madlang Pinoy na magkaroon ng impormasyon sa mga bagay na hindi inilalabas ng pamahalaan dahil itinataas nito ang pamantayan ng transparency at accountability.

Ano Kamote, ayos ba?

Korek ka dyan, Himasa!

ANO KAMOTE

ARMED FORCES

BOY SCOUT

CUB SCOUT

FREEDOM OF INFORMATION BILL

GIRL SCOUT

HACIENDA LUISITA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with